Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CPA lawyer, utas sa pamamaril

Utas ang isang Certified Public Accountant (CPA),Lawyer matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin habang sakay ito ng kany...

Utas ang isang Certified Public Accountant (CPA),Lawyer matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin habang sakay ito ng kanyang sasakyang Toyota Fortuner na kulay puti na may Induction Steaker na AO 0194 sa may bahagi ng junction ng Old Zigzag at New Diversion Road sakop ng Brgy.Malinao ilaya sa Atimonan Quezon noong Abril 23.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Henry Joseph Herrera 33 anyos at residente ng Brgy.San Juan sa Sorsogon City.

Ayon kay Police Chief Inspector Alexis Oliver Nava hepe ng Atimonan PNP, pasado alas 3:00 nang madaling araw habang binabagtas ng CPA Lawyer ang kahabaan ng highway sakay sa kanyang sasakyan nang tambangan at pagbabarilin ito nang mga suspek na sakay naman ng kulay orange na sasakyan sa nasabing lugar.

Nagtamo ng tama ng bala nang di natukoy na kalibre ng baril sa ibat ibang parte nang katawan ang biktima na agaran nitong ikinasawi.

Himala namang nakaligtas at hindi nasugatan ang mga kasama nitong asawa at anak na kinilalang sina Danbhe Domingo Herrera 28 anyos mga anak na sina Glen 5 taon at Roa 2 taon ( mga di tunay na pangalan ).

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pamamaslang.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.