Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Dental health care, serbisyong handog ng cho para sa mga lucenahin

Sa pagpapatuloy na paglapit ng tanggapan ng city health office ng kanilang libreng dental health care sa mga residente sa lungsod, patuloy ...

Sa pagpapatuloy na paglapit ng tanggapan ng city health office ng kanilang libreng dental health care sa mga residente sa lungsod, patuloy na iniimbitahan ng tanggapan ang mga lucenahin na nangangailangan ng kanilang serbisyong dental na magtungo lamang mula araw ng lunes hanggang biyernes sa kanilang tanggapan.

Bukod sa mahigit sa 300 mga lucenahing dumudulog sa kanilang tanggapan mula lunes hanggang biyernes, batid ng  tanggapan na marami paring lucenahin ang hindi nakakaalam ng tungkol sa mga libreng serbisyong ipinagkakaloob sa mga ito ng pamunuang panlungsod.

Kaya’t muling iniimbitahan ni  dra. Espinosa, isa sa mga dentista na nagsasagawa ng libreng serbisyong dental, habang wala pang nakatakdangiskedyul ang kanilang tanggpaan para sa muling paglikibot ng kanilang dental health bus sa iba’t-ibang barangay sa lungsod,  magtungo at pumila sa city health office upang makatanggap ng libreng serbisyo at gamot  na ihahandog sa mga ito. 

Ang mga nais  na  magpabunot ng ngipin ay maaaring magtungo sa cho tuwing araw ng lunes, miyerkules at biyernes. Mula alas  8 ng umaga, maaari na ang mga itong magpalista at mula alas 9 hanggang alas 10 ng umaga namann ay magkakaroon ng oral examination para sa mga nagpalista , at pagdating aniya ng alas 10 ng umaga ay isasagawa na ang libreng extraction o pagbubunot ng ngipin.

Tuwing araw naman ng martes, bukod sa pagbibigay ng libreng  toothbrush at toothpaste sa mga bata, nagsasagawa rin aniya ang kanilang klinika ng dental education at ng libreng dental treatments katulad ng pit and fissure sealant, temporary and permanent filling sa mga batang pasyente.

Sa ilalim naman ng serbisyong dental para sa mga buntis , maaring magtungo ang mga ito sa city health office tuwing araw ng huwebes.

Muling ipinahayag ni espinosa ang mga serbisyong inihahandog nila para sa mga buntis sa ilalim naman ng  programang f1k .  Maaari aniya  ang mga itong  makatanggap ng libreng oral examination at dental check-up ang mga nasa unang semester, para naman sa mga  buntis na nasa ikalawang semester na, maaari ang mga itong magpalinis at magpabunot ng ngipin nang walang babayaran kahit na magkano.

Umaasa ang tanggapan ng cho na sa ilalim ng dental helath care unit ng kanilang ahensya ay  mas matutugunan nila  ang serbisyong pangkalusugan ng mas marami pang residente ng lungsod. (Pio lucena- c. Zapanta)



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.