Lucena Mayor Roderick “Dondon” Alcala LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Hindi magiging matagumpay ang lahat ng programa para sa mga natatan...
Lucena Mayor Roderick “Dondon” Alcala |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Hindi magiging matagumpay ang lahat ng programa para sa mga natatanging sektor ng lipunan kundi dahil sa tulong at suporta ng pamahalaang panlungsod lalo’t higit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, ito ang naging pahayag ni Cristina Fernandez, hepe ng tanggapan ng Person with disabilities.
Kaugnay nito, lubos na pinasalamatan ni Fernandez si Mayor Dondon Alcala para sa isang daang porsyentong suporta na ibinibigay nito sa kanilang tanggapan lalo’t higit sa pagkakamit nila ng kagustuhang mas matulungan pa ang mga PWDs sa lungsod ng Lucena.
Dagdag pa ni Fernandez, napakasipag at palaging nag-iisip ang alkalde ng anumang bagay na mas ikabubuti pa at ikauunlad ng lungsod ng Lucena lalo’t higit sa mga proyektong makakatulong sa mamamayan na kanyang buong pusong sinusuportahan.
Siniguro din ni Fernandez na tuloy-tuloy ang pag-iisip ng kanilang tanggapan ng mga aktibidades para sa ikakauunlad pa ng mga mamamayang Lucenahin na nasa natatanging sector ng lipunan, kaisa ang ahensya ng City Social Welfare sa pamumuno ni Malou Maralit.
“Bilang social worker ng person with disabilities, buong puso kong ninanais na matulungan ang mga taong may kapansanan na isa sa pangunahing dapat mabigyan ng pansin at tulong”, ito ang naging pahayag ni Cristina Fernandez, hepe ng naturang tanggapan.
Sa naging pahayag ni Fernanadez, isa sa pangunahin at kinakailangang pagkalooban ng tulong partikular na sa aspeto ng medikal, kalusugan, edukasyon at iba pa, ay ang mga mamamayang may kapansanan. Kung kaya’t sa tulong ng pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala at ng komitiba para sa Person with disabilities sa pamumuno ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga na siyang chairperson nito, ay patuloy ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa kanila. (Pio lucena)
No comments