Isa lamang si danillo bagalaksa, residente ng barangay gulang-gulang sa maraming mga magulang na labis ang pasasalamat sa pamunuang panlu...
Isa lamang si danillo bagalaksa, residente ng barangay gulang-gulang sa maraming mga magulang na labis ang pasasalamat sa pamunuang panlungsod at sa kagawaran ng city social welfare and development sa ipinagkaloob nitong 15 customized motor cub na syang kauna-unahang public transport vehicle na personal na idinesenyo upang magamit ng mga lucenahin na kabilang sa nakatatandang sektor ng lipunan o mga senior citizens at mga may kapansanan o pwds na kung saan ay kabilang ang anak nitong si john.
Ayon din kay danillo dati-rati ay dinadala niya ang kanyang anak sa physical therapy center ngunit simula nang sya ay mabalo, nang dahil sa wala nang ibang magbabantay dito gayundin ang kakulangan ng panustos, sa ngayon ay siya nalang muna aniya ang nagthetherapy sa kanyang anak.
Kung kaya’t ganoon na lamang ang pasasalamat nito sa pamunuang panlungsod lalo’t higit kay mayor don don alcala maging sa tanggapan ng city social welfare and development sa mga proyektong isinasagawa ng mga ito sa sadyang malaki ang naitutulong hindi lang para sa mga senior citozens at person with disabbilities kundi maging sa mga katulad niyang magulang na may anak na may kapansanan.
Dagdag pa ni bagalaksa, malaking kaginhawaan umano ang dulot ng pagpapagamit ng pamahalaang lokal ng public transport vehicles na ito para sa kanila. Hindi na umano mahihirapan pang sumakay sa mga pampublikong sasakyan gaya ng tricylce , jeep o bus ang mga matatanda at may kapansanan, lalo pa aniya ang mga katulad nilang wala naman umanong pribadong sasakyan na maaaring gamitin.
Si john ay isa rin sa mga nabiyaayan ng libreng wheelchair ng cswd na magiging malaking tulong para sa pang araw-araw nitong buhay.
Samantala gayundin ang pasasalamat ni raymond sulit, 43 taong gulang at mahigit sa 20 taon nang may kapansanan sa pamahalaang panlungsod sapagsasagawa ng mga proyektong higit na makapagbibigay ng kaginhawaan at tulong sa mga katulad nilang nangangailangan ng suprta mula sa pamahalaang panlungsod.
Giit nito, mahirap aniya para sa mga katulad niya ang pagsakay sa ano mang uri ng trasportasyon.
Aniya, pagyayamanin at gagamitin nila ito nang wasto upang ipakita ang kanilang pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa mga oporrtunidad proyektong gaya nito na ibinibigay para sa sektor na kanyang kinabibilangan. (Pio lucena- c. Zapanta)

No comments