Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga kabataan sa lungsod, pormal na nagtapos sa Day Care

Tinatayang mahigit sa 200 mga kabataan mula sa limang daycare centers sa lungsod ang nagsipagtapos kamakailan. Ang limang day care centers ...

Tinatayang mahigit sa 200 mga kabataan mula sa limang daycare centers sa lungsod ang nagsipagtapos kamakailan.

Ang limang day care centers na ito ay ang Barangay I, Barangay II, Camia, Dama De Noche at Hermana Day Care Centers.

Ginanap naman ang naturang aktibidad sa 3rd floor Event Center ng SM City Lucena na kung saan ay naging panauhing pandangal dito si Mayor Roderick “Dondon” Alcala na nirepresenta ni Executive Assistant II Arnel Avila.

Dumalo rin sa graduation rites ng mga kabataang nabanggit sina City Social Welfare and Development Office Head Malou Maralit, Barangay Silangang Mayao Chairwoman Nieves Maaño at Barangay II Chairman Edwin Menor.

Sa isinagawang programa, nagbigay ng mensahe ang mga nabanggit na opisyal na kung saan ay binati niila ang mga batang nagsipagtapos.

Sa pananalita ni Kapitan Edwin Menor, nagbigay tagubilin ito sa lahat ng mga magulang na nararapat na bantayan at gabayan ng mga ito ang kanilang mga anak upang sa ganun ay lumaki ang mga ito ng maayos.

Ayon naman kay Kapitana Nieves Maaño, binigyang papuri nito ang day care worker sa kanilang barangay dahilan sa kasipagan nito at ito rin aniya ang naging katuwang ng mga magulang sa paggabay ng mga nagsipagtapos sa kanilang pag-aaral.

Sa naging pananalita naman ni Executive Assistant II Arnel Avila, ipinahatid nito ang mensahe ng punong lungsod na kung saan ay kaniyang inihayag ang ilang mga naging accomplishment ng kasalukuyang administrasyon.

Bujkod dito kaniya rin inihayag ang isa sa mga programa ni Mayor Dondon Alcala pagdating sa edukasyon na kung saan aniya sa simula nang maging alkalde ito ng lungsod ay ginawa nitong libre ang pag-aaral sa lahat ng day care sa Lucena.

Pinasalamatan rin ni Execfutive Assitant II Avila ang lahat ng mga day care teachers dahilan sa ginawa ng mga ito para sa pag-aaral ng mga kabataang Lucenahin.

Matapos na makapagbigay ng kani-kanilang mensahe ay pormal nang iniaaabot sa mga nagsipagtapos ang kanilang diploma.

Ang paglilibre ng pag-aaral sa lahat ng day care center sa lungsod ay isa sa mga programa at proyekto ni Mayor Dondon Alcala para sa naturang hanay sa simula pa ng maupo ito bilang alkalde ng Lucena at ito ay dahilan sa pagnanais niya na magkaroon ng maayos at de-kalidad na edukasyon ang mga kabataang Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.