Upang mas makita ng personal ang ilang mga mahahahalagang infrasturcture na naipagawa sa lungsod, binisita ang mga ito ng ilang mga manager...
Upang mas makita ng personal ang ilang mga mahahahalagang infrasturcture na naipagawa sa lungsod, binisita ang mga ito ng ilang mga manager ng bangko sa Lucena.
Pinangunahan ni Lucena Bankers’ Association President Milagros Surquia at ilan nitong mga opisyal ang naturang grupo.
Sa pag-uumpisa ng kanilang isinagawang tour, nagkaroon muna ng ilang mga film showing para sa mga nabanggit na delegado sa conference room ng Mayor’s Office upang ipakita sa mga ito ang ilang mga kalaaman sa kanilang tutunguhing lugar.
Sa ilang mga paabas, nagbigay ng paliwanag sina Head ng Urban Poor Affairs Division Lerma Fajarda hinggil sa kung paano nabuo ang isa sa mga matagal nang pinapangarap ni Mayor Alcala na murang pabahay para sa mga job order employees at ilang nasa transport sector na DonVictor Ville.
Gayundin, ibinahagi naman ni Mam Rosie Castillo, ang head ng City General Services Office kung naisagawa ang malaking pagbabago ng dating open dumpsite patungo sa sanitary landfill ng lungsod.
At matapos na makapagbigay ng kanilang paliwanag ang dalawang opisyal, nagbigay naman ng mensahe si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga naging bisita dito.
Sinabi ng alkalde na bukod sa grupo ng Lucena Bankers’, marami na ring iba pang grupo ang bumibisita dito na kung saan ang ilan sa mga ito ay nagmumula pa aniya sa malalayong bayan sa ating bansa.
Dagdag pa ng punong lunsog, ang lahat ng mga maipagmamalaking infrastructure project sa ngayon ng city government ay hindi maisasagawa ng mag-isa ni Mayor Dondon Alcala kundi dahil na rin aniya sa tulong ng mga masisispag nitong department heads.
At matapos na makapagbigay ng mensahe si Mayor Alcala ay nagtungo na ang mga ito sa ilang mga maipagmamalaki ng lungsod na infrastructure project at inuna ng mga ito na puntahana ng sanitary landfill upang ipakita sa mga ito ang malaking pagbabago dito.
Matapos nito ay isinunod naman nilang puntahan DonVictor Ville na kung saan ay nagpakuha pa ang mga ito ng larawan sa harapan ng nasabing establisyemento.
Kasunod naman nilang pinuntahan ang daan na nagdudugsong sa Brgy. Mayao Parada patungo ng Brgy. Talao-Talao na nalalait na rin ang pagtatapos.
Ang nasabing daan ay bahagi ng eco-tourism road kabilang na rin ang kalsada na magdudugsong sa Brgy. Dalahican at patungo naman ng Brgy. Cotta.
At matapos ang kanilang isinagawang tour, muling bumalik ang mga ito sa Lucena City government Complex upang bigyan ang mga ito ng sertipiko ng paglahok sa nasabing gawain.
Ang pagtungong ito ng mga miyembro at opisyales ng Lucena Bankers’ Association ay upang personal ring masaksihan ang mahahalagang naipagawa sa administrasyon ni Mayor Dondon Alcala na masasabing maipagmamalaki ng mga Lucenahin at ngayon ay dinarayo na rin ng iba ang mga bisita. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments