Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga PWDssa lungsod, pinagkalooban ng birthday cash gift ni Mayor Dondon Alcala

Sa pagnanais na matulungan ang sektor ng mga may kapansanan ng Lucena, isang programa ang inilunsad ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna...

Sa pagnanais na matulungan ang sektor ng mga may kapansanan ng Lucena, isang programa ang inilunsad ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni mayor Roderick “Dondon” Alcala para sa mga ito.

Ito ay ang pagbibigay ng birthday cash gift sa lahat ng mga persons with disability na nagdiwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Enero hanggang sa buwan ng Marso.

Ginanap ang pamamahaging ito kmakailan sa Reception and Action Center sa Zaballero Subd. na kung saan ay nakasama rin ng alkalde sa pamamaging ito si Councilor Atty. Sunshine Abcede-Llaga, Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña, CSWDO Head Malou Maralit at Rolinda De Los Angeles, ang presidente ng Natatanging Sektor ng Lungsod.

Tinatayang mahigit sa 700 mga PWD mula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena ang nabiyayaan ng naturang proyektong nabanggit.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala sa mga dumalo dito, ang nasabing proyekto ay kahalintulad aniya sa pamamagi sa mga senior citizens at kung ano ang natatanggap na benipisyo ng mga ito ay siya rin ipagkakaloob para sa mga natatanging sektor sa lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, buwan buwan na ring isasagawa ang pamamahging ito sa mga PWDs sa Lucena na magdiriwang ng kanilang kaarawan.

Pinasalamatan rin ng punong lungsod si KonsehalaSunshine Abcede-Llaga sa pagkakaroon ng ganitong uri ng panukala na malaki aniya ang maitutulong para sa mga napapabilang sa natatanging sektor sa Lucena.

Ang pamamahaging ito ng birthday cash gift sa mga PWDs ay batay na rin sa ipinasang ordinansa ni Councilor Sunshine Abcede upang ipakita sa mga ito ang pagtulong at pagmamalasakit ng pamahalaang panlungsod sa kanilang sektor.

Dahil isa rin sa hinahangad nina Mayor Dondon Alcala at Konsehal Abcede ay ang mabigyan ng tamang pagkilala at pansin ang kanialng hanay at walang maiwan na sektor sa patuloy na pag-unlad ng bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.