Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga nakakatandang sektor sa lungsod, ilang mga senior citizens sa Lucenahin ang pinagkalooban ng libre...
Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga nakakatandang sektor sa lungsod, ilang mga senior citizens sa Lucenahin ang pinagkalooban ng libreng bakuna laban sa sakit na influenza.
Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa multi purpose hall ng Lucena City government Complex na kung saan ay tiantayang mahigit sa 100 mga lolo at lola na mula sa iba’t-ibang barangay ang napagkalooban nito.
Binisita naman ang mga ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, kasama ang head ng City Health office na si Dra, Jocelyn Chua, upang ipakita ang pagsuporta sa mga ito at sa mga programa ng senior citizens sa Lucena.
At sa naging pananalita ni mayor Dondon Alcala sa mga dumalo dito, kaniyang ipinaliwanag sa lahat ang mga programa at proyekto para sa kanilang sektor tulad na lamang ng libreng ballroom at panonoood ng sine, pagbibigay ng birthday cash gift, ang pagbibigay ng libreng salamin sa mata at ang isinasagawang proyekto na libreng bakuna sa mga ito.
Nagbigay tagubilin rin si Mayor Alcala sa lahat ng mga lolo at lola sa lungsod na kung saan ay sinabi nito na hindi kinakailangan na matakot sa immunization program na nabanggit dahilan sa kakaiba ito sa napabalita at naging kontrobersyal na Dengvaxia.
Aniya, ang nagyaring ito ay isang isolated case lamang at hindi dapat katakutan ang lahat ng vaccination program ng pamahalaan kung kaya naman na sakaling kinakailangan na bakunahan ang sino man sa kanilang miyembro ng pamilya ay nararapat lamang na paturukan ang mga ito upang sa ganun ay makaiwas sila sa anumang uri ng sakit.
Dagdag pa ng alkalde, mas makakabuti sa mga senior citizens na magbakuna upang maiiwas ang mga ito sa sakit na isa ang dahilan dito ay ang pabago bagong lagay ng panahon at mas nakakabuti rin aniya ang mapigilan ito kaysa ang uminom ng mga gamot.
Ang libreng bakuna labansa influenza ay libreng ipinagkakaloob ng pamahalaang panlungsod para sa lahat ng gma nakakakatang sektor ng lipunan bilang bahagi pa rin ng programa para sa mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments