Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang Anti-Cavity Campaign sa Pagbilao matagumpay na isinagawa

PAGBILAO, Quezon -- Namigay ng 500 toothbrush at toothpaste ang Colgate sa mga batang nag-aaral sa iba’t-ibang daycare centers sa bay...



PAGBILAO, Quezon -- Namigay ng 500 toothbrush at toothpaste ang Colgate sa mga batang nag-aaral sa iba’t-ibang daycare centers sa bayan ng Pagbilao sa isinagawang kauna-unahang Anti-Cavity Campaign na naging possible sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Dentist II Dr. Mariam Merluza sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Dental Division na pinamumunuan ni Dr. Olga Muñoz.

Dumalo sa naturang aktibidad sina Municipal Health Officer, Dr. Nathaniel Merene, Executive Secretary at former Mayor Venus Portes na nagbigay ng kanilang mga mensahe sa mga nakiisa at sumuporta sa nabanggit na Anti-Cavity Campaign na ito.

Dagdag pa dito ang mga Municipal Dentist, mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.

Layon ng naturang programa ang mahikayat hindi lamang ang mga bata kundi ang kanilang mga magulang na pangalagaan ang kanilang mga ngipin para sa kanilang kalusugan gayundin upang higit na maging epektibo ang kanilang pag-aaral.

Bahagi din ng nasabing aktibidad ang ‘Tooth Brushing Drill’ ng mga daycare students na kung saan itinuro ni Dr. Merluza ang tamang pamamaraan ng pagsisipilyo sa mga bata na kanilang dapat gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.

Samantala, lubos namang pinasalamatan ni Dr. Muñoz ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa pagsuporta nito sa mga ganitong uri ng aktibidad, makaaasa aniya na patuloy na makikipagtulungan ang kanilang tanggapan sa LGU Pagbilao upang maihatid ang iba’t-ibang serbisyong may kinalaman sa oral healthcare.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.