By M.A. Minor LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasama po ninyo ako sa kahilingan ng maayos na pagsasagawa ng mga gawain para sa pagdiriwang ...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasama po ninyo ako sa kahilingan ng maayos na pagsasagawa ng mga gawain para sa pagdiriwang ng Pasayahan sa Lucena, ito ang naging pahayag ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga kamakailan.
Pinasalamatan ni Llaga si Konsehal Nick Pedro para sa pagdadala ng usapin tungkol sa preparasyon sa selebrasyon ng Pasayahan sa Lucena sa pamamagitan ng paglalahad nito sa kanyang pribelehiyong talumpati.
Ilang lingo na nga lang ay magsisimula na ang iba’t ibang mga aktibidades na bahagi ng pagdiriwang ng Pasayahan sa Lucena kung kaya’t hinihiling ni Llaga ang pagkakaisa at kooperasyon ng lahat ng Lucenahin para sa maayos at mapayapang pagdiriwang nito.
Kaugnay na din aniya sa pagsasara ng ilang mga kalsada para magbigay daan sa selebrasyon partikular na sa pagtatayo ng mga tiangge dito ay hinihiling ni Llaga ang isang pagpupulong kasama ang komitibang humahawak dito at ang mga miyembro ng konseho para talakayin ang usapin.
Isa pa din sa suhestyon ni Llaga ay ang pagkilala sa mga miyembro at pamunuan ng Lucena City Council for Culture and Arts para sa lahat ng kanilang partisipasyon at dedikasyon sa maayos at matagumpay na pag-oorganisa ng Pasayahan sa Lucena taun-taon.
Tuloy- tuloy naman ang paghahanda ng pamahalaang panlungsod para sa mas maganda at maayos na pagdiriwang ng Pasayahan sa Lucena sa susunod na buwan. (PIO Lucena- M.A. Minor)
No comments