Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL NILO VILLAPANDO IMINUNGKAHI SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD NA MABIGYAN NG PAGKILALA ANG MGA NAGING CHAIRMAN NG NAKARAAN PASAYAHAN

Nakasalalay sa Chairman ng Pasayahan sa Lucena at maging sa mga executive committee ang bawat aktibidad taon taon sa pagganda ng naturang p...

Nakasalalay sa Chairman ng Pasayahan sa Lucena at maging sa mga executive committee ang bawat aktibidad taon taon sa pagganda ng naturang pagdiriwang.

Kaya naman kaugnay sa pribilehiyong talumpati ni Konsehal Nick Pedro sa ginanap na interpulation sa sangguniang panlungsod kamakailan.

Kung saan nagbigay ito ng ilang pang dapat gawin sa nasabing aktibidad.

Ay iminungkahi naman ni Councilor Nilo Villapando na mabigyan ng pagkilala ng pamahalaan panlungsod ang mga naging chairman ng mga nakaraang taon pasayahan sa lucena.

Ayon kay konsehal Villapando, hindi biro ang mga ginagampanan ng mga namumuno ng pasayahan dahilan sa pagod, puyat, hirap sa pag-iisip ng mga ito kung papaano magiging maganda ang pagdiriwang ng naturang aktibidad.

Kaya sinabi nito na kailangan ay marecognize ng lungsod ang mga namuno ng bawat taon ng sa ganoon aniya ay mabigyan ang mga ito ng pagpapahalaga.

Samantalang sa sinabi rin ni Konsehal Nilo Villapando, na sa gaganapin pagpupulong at patawag sa mga chairman ng pasayahan ay makumbida rin ang mga dating chairman ng nakaraan pasayahan.

Upang kung mayroon mga opinyon ang mga ito na dapat natin idagdag, bawasan, alisin sa pasayahan ay mapag-aralan ito ng mabuti ng mga miyembro ng executive committee.

Sa naging tugon naman ni konsehal Pedro, ay puwede naman banggitin sa isasagawang committee hearing ang panukalang ito ni konsehal Villapando.

Ayon dito kung hindi naman aniya makagigipit sa plano ng executive committee ng pasayahan ay wala naman siyang nakikita, ang mga bagay na magdadagdag sa kridibilidad at sa kasayasayan ng pasayahan.

Ayon naman kay Konsehal Vic Paulo sinabi nito na sa mga komidasyon ng mga kasamahan niyang konsehal pwede nilang ipaalam sa orginazer at executive committee ang mga idadagdag nila munkahi sa gaganapin hearing ng sa ganoon aniya ay magagawan ng paraan ng mga ito.

Sa huli ay sinang-ayonan naman ng mga miyembro ng konseho ang mungkahi ni konsehal Nilo Villapando na mabigayan pagkilala ng pamahalaan panlungsod ang mga naging chairman ng pasayahan sa lucena. (PIO Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.