by Nimfa L. Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Ang konstruksiyon ng tulay na kumokunekta sa Lopez sa mga bayan ng Quezon ay sini...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Ang konstruksiyon ng tulay na kumokunekta sa Lopez sa mga bayan ng Quezon ay sinisimulan na at ang nasabing tulay ay isang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapabilis at mapadali ang oras ng pagbabayahe patungo sa baybayin ng pasipiko ng Quezon at sa mga bayan ng Perez at Alabat, ito ang naging pahayag Department of Public Works and Highways (DPWH) kamakailan.
Sinabi ni Engr. Celestial S. Flancia, pangulo ng ika-4 na Distrito ng Engineering District ng DPWH-Quezon, ang bayan ng Lopez na kumokunekta sa tulay ng Quezon ay maituturing na pinakamahabang tulay sa lalawigan ng Quezon na tinatayang may haba ng 800 metro at dobleng beses na mas mahaba kaysa sa Kalilayan Bridge sa Unisan, Quezon na umaabot lamang hanggang sa 340 na metro ang haba.
Ayon pa kay Flancia na ang proyekto ng DPWH ay may nakalaang budget mula PHP 250 milyon hanggang PHP 1 bilyon na kabuuang pondo na inilaan para sa imprastraktura ng nasabing tulay.
Nilinaw din niya na ang project site na pinili mula sa Lopez hanggang sa mga karatig bayan ng Quezon sa halip na sa Lopez hanggang sa mga karatig bayan ng Atimonan ay dumaan sa pagsusuri, isa na nga rito ang isinasaalang-alang ang mga kadahilanan tulad ng mas mayroon itong maikling pagkonekta ng distansya at mas ligtas na ruta kumpara sa iba pang prinopose na site.
Dagdag pa ni Flancia na ang pagpili sa site ng Lopez hanggang Quezon ay binatay din sa dami ng mga sasakyan at motorista na nagbabayahe sa ruta, kabilang dito ang mga bangka na karaniwang nag-navigate sa lugar para sa berthing at port shelter sa panahon ng mga kalamidad.
Malugod na tinaggap at lubos ang pagpapasalamat ng Mayor ng bayan ng Quezon na si Mayor Cherry Clacio ang imprastraktura ng tulay na kumokonekta sa kanyang bayan dahil aniya hindi lamang ang mga kababayan niya ang makikinabang sa naturang tulay at mapapalakas ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa bayan na kanyang nasasakupan kundi pati na rin ang mga nasa silangang distrito ng lalawigan ng Quezon ay makikinabang sa proyektong ito.
Tinanggal din ni Clacio ang pangamba ng taong bayan hinggil sa balitang na kapag natapos na at nakumpleto na ang tulay ay tiyak na lalo lamang darami ang magnanakaw dahil umano hindi na mahihirapang tumakas ang mga magnanakaw at mga kawatan sa kanilang lugar. Aniya mas mapapadali daw umano ang panghuhuli sa mga kawatan, ang mga kapulisan at ang militar dimunao’y maaari na ngayong makakuha ng kadaliang mapakilos at suporta sa logistical sa pamamagitan ng kadalian sa transportasyon at pagpapatakbo sa lugar.
Samantala, ang mga residente ng bayan ng Alabat at Perez ay nagpahayag din ng kasiyahan na ang imprastraktura ng tulay ay mapapabilis na ang oras ng kanilang paglalakabay, magiging maaliwalas at madali na para sa mga pasahero, kargamento, serbisyo at kalakal mula sa lupa patungo sa water transport system patungong sa geographically isolated na mga bayan.
No comments