Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Libreng edukasyon sa kolehiyo, magpapalaya sa kahirapan ng mamamayan – Mayor Reynoso

Nasa larawan ang masayang magulang ng isang nagtapos sa Day Care kasama si Mayor Ernida Reynoso at City Administrator Diego Narzabal (Ace...

Nasa larawan ang masayang magulang ng isang nagtapos sa Day Care kasama si Mayor Ernida Reynoso at City Administrator Diego Narzabal (Ace Fernandez, Lyndon Gonzales)

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales

LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon -- Sa pagpapatibay ng pundasyon ng lipunan, kailangang ng tamang edukasyon ang mga kabataan simula sa murang kaisipan hanggang sa makarating sila sa kolehiyo kaya sinisikap ni Mayor Ernida Reynoso na maitayo ang Southern Luzon State University para sa mga estudyanteng nangangarap na magbago ng kanilang buhay. Hindi lamang SLSU ang ipapatayo ng Tayabas-LGu kundi ang pagkakaroon din ng Tayabas City College na siyang papasukan ng mga estudyanteng may average na Intellectual Quotient (IQ) at ang mga gustong kumuha ng Technical at Vocational Courses na libreng maibibigay sa mga kabataang estudyante ng lungsod ng Tayabas.

Ayon kay Mayor Reysono ang libreng edukasyon ay makakapagpalaya ng kahirapan ng kanyang mga mamamayan na siyang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kanilang bayan – Ang programang pang edukasyon ni Mayor Reynoso ay nakaugnay din sa bagong batas ng Republic Act No. 10931 na nagsasaad ng “Universal Access to quality tertiary education by providing free tuitions and other school fees in state and local college and public vocational institutions” Ang bagong batas anya ay siyang magpapagaan ng bigat sa mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang mga anak sa kolehiyo na kadalasan ay inuutang pa ang pambayad sa tuition fee dagdag pa ni Mayor Ernida Reynoso.

Sa kasalukuyan ay nasa timeline ang bidding ng Bid and Awards Committee (BAC) sa SLSU na magkakahalaga ng 15 milyong piso. Maglalaan din ng pondo sa supplemental budget sa taong 2018, para sa ₱10 milyong pisong pambili ng lote at ang ₱20 milyong pesos para sa construction ng bagong gusali sa SLSU Tayabas City, ayon naman kay Tayabas City Administrator Diego Narzabal.

Samantala patuloy ang pagsusulong ng Social reform ng Tayabas LGU upang mas mapalakas pa ang serbisyong panlipunan at isa nga dito ay ang pagka-cluster ng City Administrative Office na mini-meeting niya umano and ibat-ibang sangay ng local na pamahalaa ng Taybas upang matutukan ni City Administrator Narzabal ang mga serbisyong pambaya. Unang cluster dito ay ang Infrastructure na kasama dito ang City Engineering Office (Every Monday of the week). Ikalawang cluster ay Finance na ang sakop nito ay ang City Treasurers Office at ang expanded Finals ng City Assessor’s Office at ang City Treasurers Office at ang expanded Finance ng City Assessor’s Office ang pangunahing kasama sa Cluster na ito (Every Tuesday of the Week). Ang social service cluster ang ikatlo at kasama dito ang City Health Office, City Social Development Office (every Wednesday of the month) at ang pag-apat ay ang All administrative related concern, at kasama dito ay Information Technology Division, at Sangguniang Panglungsod Secretariat na tuwing 3rd Wednesday of the month ang schedule ng meeting.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.