COCAINE. Si Bagong Chief Philippine National Police Director General Oscar Albayalde na si Oscar Albayalde habang iniinspeksiyon ang 28 p...
by Allan Llaneta
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Nakarekober na naman ang mga mangingisda ng isang plastic container na naglalaman ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng cocaine sa karagatang sakop ng Camarines Norte noong Abril 24.
Ang apat na mangingisda na sina Virgilio Yanila, Jayner Tisou, Michael Sekreto at Joven Mendez na nagmula sa bayan ng Perez, Quezon ay nangingisda sa may bahagi ng Calaguas island sa Vinson, Camarines Norte ng maakita ng mga ito ang lulutang-lutang na container nanaglalaman ng masangsang na amoy.
Inuuwi ng mga mangingisda ang container at ibinigay sa Perez Police Station na siya namang nagdala sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa Lucena City.
Sa pagsisiyasat ng Quezon Crime Laboratory Office kamakalawa ng umaga, lumabas na ang 16.5 liters na liquid substance na laman ng container ay pwedeng magamit at makapagproduce ng 13 kilo ng cocaine na may tinatayang halaga na P130 million pesos.
Samantala narekober naman ng apat ding mangingisda buhat pa rin sa Perez, Quezon na sina Jeffrey Taro, Victor Anarcho, Antonio Permian at Dencio Sanico sa nsabi ring karagatan ang isang tracking equipment na posible umanong kasama ng narekober na container.
Kasalukuyang dinadala na rin sa QPPO ang nasabing equipment at susuriin na rin ng mga awtoridad.
Matatandaang noong April 15, nasa 28 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P168 milyon pesos ang narekober din ng mga mangingisda sa karagatan din ng Camartines Norte.
No comments