LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dumalo bilang panauhing pandangal saisinagawang barangay assembly sa ilang mga barangay si Mayor Roderick “...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dumalo bilang panauhing pandangal saisinagawang barangay assembly sa ilang mga barangay si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Unang dumalo sa barangay assembly ng Barangay 1 si Mayor Dondon Alcala na kung saan ay nakasama niya dito si Councilor Nilo Villapando, dating konsehla na si Amer Lacerna, ang head ng Traffic Management Section na si Sir Jaime De Mesa, at ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay sa lugar.
Sa naging pananalita ni Mayor Alcala, kaniyang sinabi na bagamat marami siyang mga lakad at sa kabila ng sabay-sabay na pagdaraos ng katulad na okasyon, kaniya pa ring pinilit na magtungo sa barangay assembly ng Brgy. 1 dahilan sa malapt sa kaniyang puso ang mga residente dito.
Kaniya ring pinasalamatan ang lahat ng mga opisyales na dumalo sa lugar sa pagsasagawa ng barangay assembly sa naturang barangay.
Inilahad rin ng alkalde sa mga dumalo dito ang ilang mga accomplishment na ginawa sa nakaraan niyang administrayon at ang iba pa na itatayo sa mga darating pang taon.
Buong ipinagmalaki rin ng punong lungsod na bukod sa mga itinatayong iba’t-ibang negosyo sa lungsod ngayon ay magkakaroon pa rin dito ng isa pang mall, hotel at mga ospital sa mga darating na taon.
Matapos nito ay sumunod namang nagtungo sa mga barangay ng Ilayang Iyam, Ilayang Talim, Bocohan at sa Brgy. 5 si Mayor Alcala sa katulad ring okasyon.
Sa isinagawang barangay assembly sa Brgy. Ilayang Iyam ay nakasama naman dito ni Mayor Dondon Alcala ang kaniyang executive assistant II na si Sir Arnel Avila, Kapitan Romy Comia at ang lahat ng miyembro ng Sanguniaang Barangay sa lugar.
Habang sa Brgy. Ilayang Talim naman ay nakasama niya dito si Executive Assistant III Rogelio “Kuya Tototy” Traqueña, Chairman Rey Rosales at ang miyembro ng Sangguniang Barangay at sa Brgy. 5 at Bocohan naman ay nakasama ng alkalde dito si Executive Assistant IV Joe Colar.
Ang pagdalong ito rin ni Mayor Dondon Alcala sa mga ganitong uri ng okasyon ay upang ipahatid sa mga mamamayan ng lungsod ang mga nagawa sa kaniyang panunungkulan at upang alamin rin sa mga ito ang kanilang mga pangangailangan nang sa ganun ay magawan ito ng kaukulang aksyon.
Ang Barangay Assembly ay dalawang beses isinasagawa sa loob ng isang na kung saaan ay dito inilalahad ng mga namumuno sa barangay sa kanilang mga nasasakupan ang kanilang mga accomplishment. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments