Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala humiling sa mga kapitan ng barangay sa lungsod

Sa pagnanais na maging maayos ang pagpapatupad ng kalinisan sa buong barangay sa Lucena, isang kahilingan ang sinambit ni Mayor Roderick “D...

Sa pagnanais na maging maayos ang pagpapatupad ng kalinisan sa buong barangay sa Lucena, isang kahilingan ang sinambit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga barangay chairman sa lungsod.

Ang kahilingang ito ay ang pakikiisa ng lahat sa maayos na pagpapatupad ng pangongolekta ng basura sa kanilang lugar partikular na ang mga nasa barangay 1 hanggang barangay 11.

Dagdag pa ng alkalde, sa ngayon ay nasa phase II na ang waste segragation na ipinatutupad sa lungsod na kung san ay nararapat lamang na isaayos na ang pagpapatupad nito sa mga nabanggit na lugar.

Ayon pa rin kay Mayor Dondon Alcala, sakali aniyang maisaayos ng mabuti ang pagpapatupad ng waste segregation sa poblacion ng lungsod ay isasagawa na ito sa buong lungsod ng Bagong Lucena.

Sa ngayon ay tanging ang mga barangay ng 1 hanggang 11 pa lamang ipinatutupad ang paghihiwa-hiwlay ng basura na kung saan ay mayroong mga eco-aide sa bawat barangay ang nangongolekta dito.

Samantala, binigyang papuri naman ni Mayor Alcala ang OIC ng City General Services Office na si Mam Rosie Castillo dahilan sa mga ginagawa nito para sa naturang opisina.

Ilan aniya sa mga mahahalagang accomplishment ng CGSO ay ang malaking transpormasyon ng tatlong dekada na dating open dumpsite patungo sa ngayon ay isa nang sanitary landfill na nagawa lamang sa loob lamang ng halos anim na buwan.

Ang kahilingang ito ni Mayor Dondon Alcala ay dahilan na rin sa pagnanais niya na maging malinis at ligtas sa anumang sakit na maaring makuha sa mga basura ang bawat Lucenahin at maging kaaya-aya ang lungsod sa mga bibisita sa Bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.