Bago pa man tumulak para maglaro sa isa sa pinakaaabangang palaro sa buong bansa na National Private Schools Athletic Association, nagbigay...
Bago pa man tumulak para maglaro sa isa sa pinakaaabangang palaro sa buong bansa na National Private Schools Athletic Association, nagbigay kortesiya ang mga manlalaro ng Maryhill College High School Mens Baskeball kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Kasama ng mga manlalarong naturang paaralana ng kanilang coaches na sina Aris Mercene at assistant coach na si Manuel Mercado.
Kasama naman ni Mayor Dondon Alcala sa pagtanggap sa mga manlalarong ito si Councilor Anacleto Alcala III at City Sports Coordinator Coach Ogie Ng.
Sa kanilang pagtungong ito, malugod silang binati ni Mayor Dondon Alcala at pinasalamatan sa kanilang parangal na dinala nito para sa lungsod.
Ang mga player ng nasabing paaralan ay ang mga nagkampeon at naglaro sa nakaraang Regional PRISAA na ginanap sa MS Enverga University Foudation sa bahagi ng Brgy. Ibabang Dupay.
At bukod sa pagtanggap na ito ng alkalde, binigyang sertipiko rin ang mga manlalaro bilang pasasalamat sa mga ito.
Lubos namang nagpasalamat sina Coach Aris Mercene at ang lahat ng bumubuo ng delegado na maglalaro sa nasabing paligsahan sa tulong at suporta na ibinibigay sa kanila ni Mayor Alcala.
Ang National Private School Athletic Association ay gaganapin sa ika-21 hanggang sa ika-28 ng Abril sa Tagbiliran, Bohol. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments