By J Maceda LUCENA CITY - Bilang ng mga naglalagak ng negosyo sa lungsod ng lucena patuloy pa rin na dumarami. Dahilan kamakailan ay nas...
LUCENA CITY - Bilang ng mga naglalagak ng negosyo sa lungsod ng lucena patuloy pa rin na dumarami.
Dahilan kamakailan ay nasa mahigit sa 20 mga bagong negosyo ang nalalapit ng magbukas sa lungsod.
Ito ay matapos na lagdaan ni mayor Roderick “Dondon” Alcala ang kanilang mga business permit.
Isinagawa ang nasabing pagpirma ng mga dokumento sa Mayor’s Office Conference Room 2nd floor ng Lucena City Government Complex sa bahagi ng Barangay Kanlurang Mayao.
Kasama rin ng Alkalde, sa nasabing aktibidad na ito ang hepe ng Business Permit and Licensing Office na si Julie Fernandez at mga staff nito.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, nagpasalamat ito sa mga bagong business owner sa pagtitiwala ng mga ito na magnegosyo sa lungsod.
Pakiusap naman ng Alkalde, sa mga may-ari ng negosyo na kung maghihire o tatanggap ang mga ito ng empleyado ay lihitimong mga lucenahin at register voter’s ng lungsod.
Dahilan sa may ordinansa na ipinasa sa Sangguniang Panlungsod na ang lahat ng mga establisyemento na kailangan tatangapin ay tag lucena.
Sinabi pa ni Mayor Dondon Alcala, na kung hindi susunod sa batas na ito ay maaaring maremove o bawiin ang kanilang business permit at maari din maipatigil ang kanilang negosyo.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, sa ngayon aniya magkasama ang Business Permit and Licensing Office at ang tanggapan ng PESO at iniisa-isa ang mga establishment dito sa lungsod para malaman kung tunay na nagcocomply ang mga may-ari ng negosyo na ang mga empleyado nila ay lihitimong lucenahin.
Idinagdag din ni Alcala, kung may kakailanganin pa ang mga ito na empleyado ay makipag-ugnayan sa tanggapan ng PESO at hanapin lamang si Arnold Cayno.
Samantalang patunay lamang na maraming mga negosyante ang nagtitiwala sa maganda, maayos at malinis na pamamalakad ng administrasyon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala. (PIO Lucena J. Maceda)
No comments