by PIO Lucena- M.A. Minor Nakapokus ngayon ang tanggapan ng City General Services sa pamumuno ni Rosie Castillo sa pagpapatupad ng ‘No Plas...
Nakapokus ngayon ang tanggapan ng City General Services sa pamumuno ni Rosie Castillo sa pagpapatupad ng ‘No Plastic Policy’ o ang pagbabawal sa mga maninindahan at mga mamimili na gumamit ng plastic bilang lalagyan ng anumang uri ng produkto sa merkado.
Hindi kasi naging ganun ka-epektibo ang pagpapatupad noong una ng Ordinance No. 2367 o ang One Plastic Policy sa pamilihan kung kaya’t napag desisyunan nilang ipagbawal na ng tuluyan ang pag gamit nito.
Malaking bagay ang maitutulong ng pagpapatupad ng no plastic policy sa lungsod lalo’t higit sa aspeto ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
Bilang ang plastic ang isa sa mga pangunahing sanhi ng kalat sa bawat lugar ay sa pamamagitan ng ordinansang ito ay maiiwasan ang paglaganap ng problema sa basura.
Bukod sa No Plastic Policy, isa pa din ang ordinansang no segregation, no collection policy sa mga programa ng pamahalaang panlungsod para sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lungsod ng lucena.
Matatandaang binanggit ni Konsehal Anacleto Alcala III kamakailan, na isa sa hangarin ng pamahalaang panlungsod ay maging zero waste na ang lucena sa susunod na sampong taon alinsunod na din sa ten year plan ng solid waste management.
Sa patuloy naman na pagsulong ng pamahalaang panlungsod sa mga programa at proyekto para sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran ay inaasahan ang buong suporta at pakikiisa ng lahat ng mamamayang lucenahin.
No comments