Dahilan sa pambihirang pagkakataon na ipinagkaloob na mabigyan ng regalo sa kanilang kaarawan, lubos na nagpasalamat ang ilang mga persons ...
Dahilan sa pambihirang pagkakataon na ipinagkaloob na mabigyan ng regalo sa kanilang kaarawan, lubos na nagpasalamat ang ilang mga persons with disability kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Ang regalong nabanggit ay ang birthday cash gift na ipinamahagi sa kanila kamakailan sa Reception and Action Center sa bahagi ng Zaballero Subdivision na kung saan ay personal itong ibinigay sa kanila ng alkalde.
Ayonsa panayam ng TV12 sa ilang mga napagkalooban ng naturang regalo, sinabi ng mga ito na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatanggap sila ng nasabing benipisyo mula sa pamahalaang panlungsod at naipagkaloob lamang ito sa panunungkulan ng kasalukuyang punong lungsod.
Lubos na nagpasalamat ang ilan sa mga ito kay Mayor Dondon Alcala dahilan sa patuloy na pagsuporta at pangangalaga sa kanilang hanay.
Nagpasalamat rin ang iba sa mga ito kay Councilor Atty. Sunshine Abcede-Llaga dahilan sa inisyatiba nito na magkaroon ng nabanggit na benipisyo ang mga katulad nilang nasa natatanging sektor ng lipunan.
Ang ilan pa sa mga ito ay napapaluha nang magpasalamat dahilan sa anila sa loob ng matagal nilang paninirahan sa lungsod ng Lucena ay ito ang unang pagkakataon na mabigyan ang kanilang hanay ng tama at sapat na pagpapahalaga.
Ang ipinagkaloob na regalo sa nasabing sektor ay para sa mga nagdiwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Enero hanggang sa buwan ng Marso.
Ang pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga persons with disability ay batay na rin sa ipinasang ordinansa ni Konsehala Sunshine Abcede-Llaga, at naging posible dahil na rin sa tulong ni Mayor Dondon Alcala sa pagnanais ng mga ito na mabigyan ng tama at sapat na atensyon ang lahat ng mga natatanging sektor ng lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments