Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga traffic enforcers ng lungsod, pinulong ni Mayor Dondon Alcala

Pinulong kamakailan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga tauhan ng Traffic Management Section ng lungsod. Ang pagpupulong na ito ay ...

Pinulong kamakailan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga tauhan ng Traffic Management Section ng lungsod.

Ang pagpupulong na ito ay ginanap sa lobby ng Lucena City Government Complex na kung saan ay dumalo rin dito si City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. at ang head ng naturang tanggapan na si Retired Captain Jaime De Mesa.

Ang isinagawang pakikipagpulong na ito ng alkalde ay upang pasalamatan ang mga traffic enforcers sa kanilang ginagawang pagsasaayos ng trapiko sa Lucena.

Bukod dito, ipinaalala rin ng punong lungsod sa lahat ng mga dumalo dito ang pagiging magalang at mapagkumbaba sa lahat ng mga motoristang bumabagtas sa lansangan ng lungsod.

Aniya, sakali may mga pagkakataon na mahuhuli ang mga ito ay daanin pa rin sa mahinahon na paliwanag ang panghuhuli sa mga ito at sabihin rin ng maayos ang kanilang naging paglabag.

Dagdag pa rin ni Mayor Dondon Alcala sa mga traffic enforcers, kinakailangan rin na palagiang nakasuot ang mga ito ng kanilang uniporme sa tuwing papasok upang sa ganun ay madaling makilala ng mga motorista.

Ayon pa rin sa alkalde, kapag makikita aniya ng mga motorista na nakasuot ng uniporme ang mga traffic enforcers ay tiyak na igagalang sila ng mga ito.

Sa huli ay muling ipinaalala ni Mayor Alcala sa lahat ng mga traffic enforcers ng lungsod na gawin ng mga ito ang lahat upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa mga lansangan ng Lucena.

Samantala, sa naging pahayag naman ni City Administrator Jun Alcala, sinabi nito na magkakaroon na ng bawat pangkat ang lahat ng mga dumalo dito na kung saan ay bibigyan rin ng antas ang kanilang pangkat batay na rin sa kanilang performances.

At sa kanilang makukuhang grado ay aalamin sa mga ito ang kanilang kahinaan at dito sila ay tuturuan upang mas mapabuti pa ang kanilang pagtratrabaho.

Ang isinagawang pagupulong na ito ni Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga traffic enforcers ay upang bigyang pasasalamat ang mga ito sa kanilang ginagawa upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa lungsod at gayundin ay upang alamin ang mga pangangailangan ng mga ito upang mas mapadali ang kanilang trabaho at mas maging maayos ang trapiko sa lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.