Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pabuya para sa pag-aresto sa mga suspek sa pagpaslang sa punong barangay, itinaas sa P400K

by Nimfa L. Estrellado SARIAYA, Quezon -- Itinaas ng Sangguniang Bayan (lokal legislative council) ang pabuya sa PHP400,000 para sa paghuli...

by Nimfa L. Estrellado

SARIAYA, Quezon -- Itinaas ng Sangguniang Bayan (lokal legislative council) ang pabuya sa PHP400,000 para sa paghuli sa suspek sa dating pangulo ng Association of Barangay Chair (ABC) at Barangay Castañas Captain na si Victorio Luna.

Ayon kay Chief Insp. Javier Baasis, Deputy Chief ng Sariaya Police, na binaril si Barangay Castañas Captain Victorio Luna habang papaalis siya ng dinaluhan na graduation rites ng isang high school sa lugar bandang 12:30 pm. Aniya binaril ng malapitan si Luna habang dinadala sa ospital.

Sa kanyang privilege speech sa isinagawang council session sa bayang ito kamakailan, ang Konsehal ng bayan na si Jippers Albis ay nagpahayag ng pagkadismaya sa aniya’y hindi nakakatanggap ng anumang update sa pagpaslang sa pinuno ng barangay noong Abril 7, 2017 ang mga opisyales ng bayan at ngayon nga ay hinihimok niya ang mga lokal na mambabatas na itaas ang pabuyang pera sa PHP400,000 para sa pag-huli sa mga taong nasa likod ng nasabing krimen upang sa gayon ay mapabilis ang resolusyon ng kaso ng pagpatay.

Sinabi ni Albis na higit isang taon na, wala pa ring nangyayrai sa kaso, wala pa ring opisyal na development report. Hindiumuusad dahil sa kawalang ng suspek.

Ang unang PHP100,000 pabuya ng lokal na pamahalaan bilang insentibo para sa mga impormante o mga saksi na lalantad para ituro ang mga pinaghihinalaan mga suspek at nang sa gayon ay mabigyan ng hustisya para sa pinaslang na lider sa bayang ito at para sa kanyang pamilya.

Ang isang resolusyon ay naunang inisponsoran ni Konsehal Teody De la Pena na itaas ang pabuyang pera sa PHP300,000 hanggang sa ikinalo ni Albis ang isang bagong resolution noong Martes upang itaas sa ang halagang PHP 400,000 para sa pag-aresto sa mga suspek.

Si Vice Mayor Alexander Tolentino, bilang presiding officer ng konseho ng lehislatura ng bayang ito, ay pinangunahan ang mga lokal na mambabatas dito para mapabilis ang pag-apruba ng konseho sa resolusyon ng pabuya.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.