Aabot sa tinatayang mahigit sa 300 mga Lucenahin ang nabiyayaan ng libreng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod kamakailan. Ang pamama...
Aabot sa tinatayang mahigit sa 300 mga Lucenahin ang nabiyayaan ng libreng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod kamakailan.
Ang pamamahaging ito ay ginanap sa multipurpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay pinangunahan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Kasama rin ng alkalde sa pagkakaloob nito si City Health Officer Dra. Jocelyn Chua sa mga benipisyaryo nito na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.
Sa maiksing programa na isinagaw dito, sinabi ni Mayor Dondon Alcala na kakaiba ang programang Oplan Mata ng city government kumpara sa mga proyektong pamamahagi ng salamin sa mata.
Ayon kay Mayor Alcala, sa ilalim ng programang nabanggit, bago pa man bigyan ang mga benipisyaryo nito ng salamin ay tinitingnan muna silang gma ekspertong doktor upang alamin ang grado ng salamin na ibibigay at nang ito ay mas mapakinabangannila.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga napagkalooban ng mga salamin sa mata sa pamahalaang panlungsod lalo’t higit kay Mayor Dondon Alcala sa pagkakaroon ng ganitong uri ng programa.
Tinatayang aabot na sa mahigit na 2, 000 mga Lucenahin mula sa iba’t-ibang barangay ang napagkalooban ng libreng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod.
Ang Oplan mata ay nasa ilalim ng proyektong Bagong Lucena Health Program na ang layunin ay ang mabigyan ng libreng salamin sa mata ang mga Lucenahin na may diperensya ang paningin gayundin ang libreng check up sa mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments