Straight Talk by Nimfa L. Estrellado Manalo o matalo, ang mga kandidato para sa halalan ng 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) ay ...
Straight Talk
by Nimfa L. Estrellado
Manalo o matalo, ang mga kandidato para sa halalan ng 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) ay dapat pa ring magsumite ng kanilang statements of contributions and expenditures o Soce.
Ito ang paalala ng Commission on Elections (Comelec) noong Martes sa mga kakandidatong pulitiko na ang pagsumite ng Soce ay hanggang Hunyo 13, 2018.
Ang mga kandidato mabibigong magsumite ng kanilang Soce bago ang deadline ay maaaring mahaharap sa reklamong administratibo at maaari pang mapatawan ng pang habangbuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa gobyerno o “perpetually disqualified to hold public office,” babala pa ng Comelec.
Nasa batas na dapat maghain ng SOCE 30 araw matapos ang eleksyon, ito ay nakasaad sa ilalim ng rule 13 ng COMELEC resolution 9991.
“We have always said that the Barangay is where the public directly experience our government. Therefore, our frontline public officials must be sterling exemplars of upright, law-abiding citizens to the public whom they pledge to serve,” ito ang naging pahayag ng spokesperson na si James Jimenez.
Under Section 14 of Republic Act Number 7166, non-filing of SOCE bars winning candidates from assuming office:
No person elected to any public offices shall enter upon the duties of his office until he has filed the statement of contributions and expenditures herein required.
The same prohibition shall apply if the political party which nominated the winning candidate fails to file the statement required herein within the period prescribed by this Act.
000
Sa unang araw pa lamang ng panahon ng halalan para sa Mayo 14 local polls, isang kapitan ng barangay ang pinatay ng motorcycle-riding assailants sa bayan ng Tanza sa Cavite noong Sabado.
Ayon sa ulat ang biktima ay si Leonilo Arbonido, 56, kapitan ng Barangay Julugan VI.
Kapag malapit na ang election linggo linggo ay may balitang may pinatay o bigong pinatay na kandidato at ang tinuturong dahilan diumano ng pagpatay ang matinding political rivalries lalo na sa mga lalawigan, ay kadalasang nangyayari sa panahon ng halalan sa Pilipinas.
Ang nakaraang election sa Pilipinas ay nagkaroon din ng malawakang vote-buying, pandaraya, pananakot at walang habas na paggamit ng kapangyarihan ng mga maipluwensiyang political dynasties.
NGAYONG si Mayor Rodrigo Duterte ang pangulo ng bansa, umaasa ang mamamayan ay magiging maayos, matahimik at kapani-paniwalang halalang pambarangay. Hindi man nila maramdaman ang lubos na pagbabago ay umaasa pa rin sila sa ‘Kamay na bakal’ ni Duterte na hindi lang sa pamamahala kundi maging malinis at tapat ang Barangay at SK Election sa bansa sa ika-14 ng Mayo, 2018.
Pakiramdam diumano ng mga mamamayan, itinuturing ng Comelec na police matter lang ang mga patayan. Wala daw kasing nararamdaman ang mga mamamayan na pagkabahala ng Comelec sa mga patayan.
000
Simbahan nanawagan sa publiko na makiisa sa pagdarasal para sa isang malinis na halalan. Nanawagan din sila at nagsusumamo sa lahat ng mga kandidato para sa susunod na halalan habang sila ay nangangampanya, ay mapanatili ang nila kapayapaan, katapatan at katahimikan sa kanilang kampanya lalo na sa mga Barangay kung saan ang karahasan ay nagmumula sa panahon ng kampanya o panahon ng eleksiyon.
000
“Sino nga ba ang dapat iboto?” Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, ito pa rin ang tanong ng marami sa atin. Madalas nating marinig sa telebisyon, radio o dyaryo ang paulit-uilit na paalala na tayo ay bumoto ng tama at pumili ng karapat-dapat. Ngunit sino nga ba ang tama? Sino nga ba ang dapat iluklok ng taong-bayan sa puwesto? Sino nga ba ang karapat-dapat mamuno sa atin at sa ating sintang bayan? Sa dami ng kandidatong tumatakbo ngayon, hindi uubra ang palabunutan o iasa na lang sa tiyamba ang lahat.
Sa ating mga boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga pamilya at ng ating minamahal na Pilipinas. Ang kailangan natin ay isang mapanuring mata at tapat na konsiyensya upang responsableng piliin ang wastong pangalan na isusulat sa balota. Huwag sayangin ang iyong boto! Isang boto man iyan ito ay may kapangyarihang gumawa ng mga magagandang bagay kung gagamitin ng tama.

No comments