Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic ng Pagbilao Quezon by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales PAGBILAO, Quezon - “ Papunta na sa isan...
Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic ng Pagbilao Quezon |
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales
PAGBILAO, Quezon - “ Papunta na sa isang maunlad na pamayanan ang Pagbilao kaya dapat ay balanse ang mga proyektong ibinibigay sa mga mamamayan ito ang winika ni Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic ng Pagbilao Quezon.
Aniya, ang mga proyektong makikita tulad ng kalsada, farm to market roads, school buildings at iba pang infrastructure projects ay mahalagang batayan ng kaunlaran ng pagbilao subalit ang mga proyektong hindi nakikita tulad ng social reform at education ay isang mahalagang proyekto na ang mismong mga tao ang siyang makikinabang ng pangmatagalan.
Binigyang halimbawa ni Administrator Palicpic ang SPED o Special Education na isa sa pangunahing proyekto ni Mayor Sherrie-Anne Portes-“Palicpic para sa mga kabataang may kapansanan at special children.
Katunayan, hinahanap pa diumano ni Mayor Palicpic ang mga special children sa buong Pagbilao upang makapag-aral sa SPED at kung kailangan umano ng hearing aid at wheel chair ng mga ito ay binibigyan ang mga estudyante sa ilalim ng programang SPED na isa sa mga paboritong proyekto ni Mayor Palicpic. Sa huli ay sinabi ni Administrator Ian Palicpic na dapat ay inclusive ang pag-unlad at wala dapat iumanong maiiwan isa man sa kanilang mga mamamayan .
No comments