Sa isinagawang regular flag raising ceremony kahapon ay pormal na ipinrisinta ng tanggapan ng city social welfare and development sa pangu...
Sa isinagawang regular flag raising ceremony kahapon ay pormal na ipinrisinta ng tanggapan ng city social welfare and development sa pangunguna ng hepe nito na si malou maralit ang labinglimang public transport vehicle na sadyang idinisenyo para sa mga lucenahing nasa hanay ng mga pwds at senior citizens.
Sa naging panayam ng tv 12 kay christina fernandez, officer in charge ng tanggapan ng person with disability, bukod aniya sa nalalapit na pagpapatayo ng physical therapy center at pamimigay ng mga crutches, walkers at wheelchairs sa mga pwds at senior citizens sa lungsod ,naisipan umano ng kanilang tanggapan na pagkalooban rin ang mga ito ng isang uri ng transportasyon na makapagbigay ng kaginhawaan sa mga ito.
Ang mga customized trasport cub ay magiging malaking tulong aniya para sa mga ito lalo na tuwing kinakailangang ng mga itong magpapatingin sa tanggapan ng city health.
Hindi na aniya kailangan pang buhatin ang mga ito kapag isasakay na sa mga sasakyan sa siguradong maghahatid sa mga ito ng kaginhawaan.
Dagdag pa nito, sa buong lalawigan ng quezon, ang lungsod ng lucena ang kauna-unahang nagbigay ng public transport vehicle para sa mga mamamayan nitong senior citizens at pwds. Sakali umano na magkaroon muli ng pondo at makita ng kanilang tanggapan ang pangangailaan ng karagdagang ptv ay sisikapin nilang pagkalooban ng tig-iisang public trasport vehicle ang bawat barangay sa lungsod.
Sa ngayon aniya ay pag-uuspan pa ang mga pinal na patakaran sa paggamit ng mga ptv.
Sa ngalan ng kanilang tanggapan ay nagpahayag ng pasasalamat si fernandez kay mayor don don alcala sa pagsuporta nito sa kanilang ahensya at sa kanilang mga programa na nagiging dahilan upang maisakatuparana ng pagtugon nila sa pangangailangan ng mga lucenahing nabibilang sa sektor na ito ng lipunan. (Pio lucena- c. Zapanta)

No comments