by Allan P. Llaneta LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “ DI KA NA SISIKATAN NG BUKAS “ ito ang mga katagang nakitang nakasulat sa pader ng bah...
by Allan P. Llaneta
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “ DI KA NA SISIKATAN NG BUKAS “ ito ang mga katagang nakitang nakasulat sa pader ng bahay ni 3rd district BM Dominic Reyes sa San Narciso Quezon noong Abril 21.
Sa post ni BM Reyes sa kanyang facebook account, sinabi ng batang mambabatas na hindi makatwiran ang gumamit ng pananakot at dahas ang sinuman.
Binanggit pa nito na ang demokrasya ay nagbibigay laya sa kahit na sino na kumandidato o mamili ng napupusuang kandidato na walang humahadlang dito.
Sinabi pa nito sa kanyang FB post na ang pagbabanta sa kanya ay posibleng epekto nang nakaraang usapin sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa pagkondena sa mga pananakot sa bayan ng San Narciso Quezon noong 2016 election.
Alinman umano ang rason nang nasabing panghaharas, sinabi nito na hindi dapat binabalot sa takot at kaba ang kanilang bayan.
Samantala, nanindigan naman bagitong bokal sa nasabing pagbabanta, hindi umano nito palalampasin ang pangyayari at lalo nitong bibigyan ng rason na manindigan ang kanyang mga kababayan na magsalita laban sa kasakiman.
No comments