ASSOCIATION OF LOCAL SOCIAL WELFARE & DEVELOPMENT OFFICERS OF THE PHILIPPINES (ALSWDOPI), INC. Gawad Parangal Award HALL OF FAME Outs...
Baguio City -- Tumanggap ng GAWAD PARANGAL, Hall of Fame, Outstanding Governor in the Field of Social Welfare and Development Services si Quezon Governor David C. Suarez, ngaung ika-18 ng Abril 2018, sa Crown Legacy Hotel, Baguio City.
Kasabay ng 22nd Local Social Welfare and Development Officers’ Annual Forum and General Assembly, ay ginanap ang pagkilala sa mga natatanging local chief executives ng bansa na may mahuhusay at epektibong programa na may kinalaman sa social services. Ang samahan ng ALSWDOPI or Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Phil Inc. ay kumilalang muli sa mga innovative and sustainable programs ng Lalawigan ng Quezon na mayroong malaking ambag sa kabuuang kagalingan at pagpapaunlad ng lipunan.
Matatandaang unang tumanggap ang lalawigan ng Quezon ng parehong parangal noong 2014 at ang pangalawa namay ay noong 2017 dahil sa full implementation of Magna Carta for social workers and hazard pay for non-social workers, Health Coupon Program na Lingap Kalusugan Para sa Barangay, scholarship program, at pinansyal na ayuda para sa iba’t ibang sektor gaya ng senior citizens, daycare workers at maging mga NGOs.
Kasama rin sa kinilala ang environment protection program na Quezon’s 2 in 1 na pagtatanim ng dalawang milyong bakawan sa loob ng isang araw. Sa ika-tatlong pagkakataon ay kinilala muli ang Lalawigan ng Quezon dahil sa mga nauna ng nabanggit na programa na naging sustenable, na nadagdagan pa ng mga award-winning programs sa sektor ng agrikultura, nutrisyon at kalusugan.
Ang pagkakatatag ng kauna unahang Science High School sa lalawigan at ang mas pinalawak na scholarship program ng lalawigan sa mga college at masters degree program. Ang Quezon’s First 1,000 days of Life Program naman ay isang natatanging programa na tumututok sa pangangalaga ng mag-ina sa unang isang libong araw ng buhay ng sanggol na kinilala ng Department of Health sapamamagitan ng National Nutrition Council.
Kasama pa rito ay ang mga effort ng lalawigan para sa peace and order kaagapay ang AFP at ang implementasyon ng Yakap Bayan, isang community-based rehabilitation program para sa mga drug surrenderees.
“This award (Gawad Parangal) is one of the most important awards that we received because it was given by the people who know and understand what service really means,” turan ni Gov Suarez. Sinabi pa ng batang Governor na ang mga social workers ang tunay na dahilan kung bakit nagiging matagumpay ang lahat ng mga ginagawang serbisyo ng mga local chief executives.
Sa huli, pinahiwatig ng gobernador na ang karangalan na ito ay kanyang iniaalay sa mga social workers na nasa likod ng tagumpay ng mga programang tunay na napapakinabangan ng mga pinaka nangangailangan.
No comments