Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Resolusyon para itaas ang sweldo ng barangay officials, hinihiling ni Kon. Brizuela

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasabay ng papalapit na araw ng eleksyon ay ang pagkilala sa mga bago o nanatili pa ding miyembro ng bawat san...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Kasabay ng papalapit na araw ng eleksyon ay ang pagkilala sa mga bago o nanatili pa ding miyembro ng bawat sangguniang barangay sa lungsod ng Lucena.

Base sa Republic Act Number 7160 o ang local goverenment code section 384, ang barangay ang nagsisilbing primary planning at implementing unit ng mga polisiya, plano at mga aktibidades ng pamahalaan sa komunidad.

Ang kapitan o ang punong barangay kasama ang kanyang pitong kagawad, SK president at iba pang mga miyembro ang nagtutulong- tulong para sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.

Alinsunod dito, nagbigay suhestyon si Konsehal Benny Brizuela sa kapwa niya mga konsehal na isulong ang isang resolusyon na susuporta sa senado at kongreso upang pataasin pa ang halaga ng sweldo ng bawat opisyales ng barangay gayundin ang mga benipisyong kanilang natatanggap.

Matatandaan na noong septyembre ng nakaraang taon ay nag file si Kababayan Partylist Ron Salo ng House Bill 6033 o ang barangay officials salary and benefits act.

Nakasaad dito na ang mga barangay officials ang maituturing na lowest paid sector sa gobyerno at walang tinatanggap na regular na benepisyo.

Kung sakaling makonsidera ang nasabing bill, ang mga barangay official ay makakakuha ng mas mataas na sahod gayundin ay mapagkakalooban sila ng Government Service Insurance System O GSIS, Philhealth at Pagibig fund benefits.

Naniniwala si Brizuela na malaki ang maitutulong nito sa mga miyembro ng sangguniang barangay.

Sa huli ay hinikayat ni brizuela ang lahat ng mga mamamayang lucenahin na pumili ng mga mahuhusay at responsableng local leaders na sa tingin nila ay may kapabilidad at kakayahang hawakan at patakbuhin ang barangay.

Inaasahan na ang bawat isa ay magsusulong ng adbokasiya para sa malinis at tapat na eleksyon. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.