LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa mga kabataan, isang feeding program ang isinagawa ng grupong Unit...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa mga kabataan, isang feeding program ang isinagawa ng grupong United Cars Club-Quezon Chapter kamakailan.
Ginanap ang feeding program na nabanggit sa sanitary landfill na kung saan ay mahigit sa 80 mga bata ang naging benipisyaryo nito.
Ayon sa presidente ng UCC na si Bryan Jabrica, nagkaroon ng tema ang kauna-unahang proyekto nilang ito na “reaching out, sharing blessing” na bukod rin aniya sa feeding programa ay namahagi rin sila ng mga laruan, ilang mga damit at gamot.
Dagdag pa ni Jabrica, ang mga damit na ipinamahagi nila para sa mga bata at maging sa mga magulang ng mga ito ay galing sa kanilang mga miyembro habang ang mga gamot na kanilang ipinamahagi ay mula naman sa kanilang pondo.
Sa pagumpisa ng kanilang aktibidad, isa-isang pinapila ng kanilang mga miyembro ang mga batang nasa lugar upang pakainin ang mga ito kasama na rin ang kanilang mga magulang.
Kasunod nito ay nagkaroon rin ng palaro para sa mga ito na sinalihan rin ng ilang niyang mga kasamahan at ang mga nagsipagwagi dito ay pinagkalooban nila ng mga rgalo.
Matapos ng naturang palaro, ay isinunod na nila ang pamamahagi ng mga damit at gamot sa mga benipisyaryong mga kabataan sa sanitray landfill.
Hindi naman maipinta sa mukha ng mga napagkaloobang bata at maging ang kanilang mga ang kaligayahan dahilan sa pambihirang pagkakataon na sila ay mapasama sa ganitong uri ng programa ng United Cars Club-Quezon Chapter.
Samantala, lubos rin ang naging pasaslamat ni Sir Jabrica kina Mayor Roderick “Dondon” Alcala at sa head ng City General Services Office na si Mam Rosie Castillo dahilan sa ginawang pagtulong at pagsuporta ng mga ito upang maging matagumpay ang kanilang proyekto.
Ayon pa rin sa presidente ng samahan na si Sir Bryan Jabrica, magsasagawa pa rin sila ng iba pang mga programa at proyekto sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan na kung saan layon ng kanilang proyektong ito ay ang matulungan ang ilan nating mga kababayan.
Ang UCC-Quezon Chapter ay nagsimula sa Manila na ngayon ay nagkaroon na ito ng chapter sa lalawigan at tinatayang mahigit sa 200 mga car owners ang kasali dito at karamihan sa kanila ay mga residente ng lungsod ng Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments