File Photo: Photo Courtesy by PIO Lucena LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Napagkalooban ang mahigit sa dalawang libong mga senior citizens...
File Photo: Photo Courtesy by PIO Lucena |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Napagkalooban ang mahigit sa dalawang libong mga senior citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Marso at Abril, sa lungsod ng Lucena.
Isinagawa ang pamamahagi kamakailan sa Reception and Action Center o RAC sa Brgy. Gulang-gulang.
Nagbigay mensahe naman si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga sektor ng nakatatanda para sa iba’t ibang magagandang programa ng pamahalaang panlungsod na isa sa benepisyo ng mga ito at makakatulong sa kanilang pamumuhay.
Kabilang na dito ang paghahandog ng libreng panunuod ng sine na may kasamang pagkain sa isang fastfood chain, ang pagkakataon upang makapag- exercise sa pamamagitan ng libreng pa- ballroom sa mga ito, ang BLHP program o ang Bagong Lucena Health Program na kung saan ay nabibigyan sila ng libreng medikasyon at gamot at ang OPLAN Mata sa pamumuno ng City Health Office na kung saan ay napagkakalooban sila ng libreng salamin sa mata na hindi lang basta ibinibigay sa kanila kundi dumadaan muna sila sa eye-checkup upang tiyakin kung nararapat ba sa kanilang mata ang ibibigay na salamin depende sa grado at sa kaakmaan ng kanilang pangangailangan.
Gayundin ang libreng operasyon kung may komplikasyon o kinakailangang gamutin o operahan sa kanilang mga mata.
Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, na sa bawat pangangailangan pa ng mga senior citizens ay bukas siya at ang pamahalaang panlungsod para tumulong at magbigay serbisyo sa mga ito.
Sobra din aniyang natutuwa ang alkalde dahilan sa ang mga senior citizens sa lungsod ng Lucena ay isa po sa pinaka-aktibong organisasyon na nagpa-participate sa mga programa at sa lahat ng aktibidades ng pamahalaan para sa kanila at sa mamamayang Lucenahin. (PIO Lucena- M.A. Minor)
No comments