Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Tuwáli, ika-2 katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng Bantayog-Wika sa Lalawigang Ifugao

Pinasinayaan ang Bantayog-Wika para sa wikang Tuwáli, bílang pagpaparangal sa mga katutubong wika ng Filipinas, sa Lamut, Ifugao. Ang B...



Pinasinayaan ang Bantayog-Wika para sa wikang Tuwáli, bílang pagpaparangal sa mga katutubong wika ng Filipinas, sa Lamut, Ifugao.

Ang Bantayog-Wika, na likha ng tanyag na eskultor na si Luis “Junyee” E. Yee Jr., ay magkatuwang na inilantad sa madla nina Bb. Christianne Jewel Insigne bílang kinatawan ni Senadora Loren B. Legarda, Dr. Diosdado Aquino, Campus Director at bílang kinatawan ng Pangulo ng Ifugao State University na si Dr. Serafin L. Ngohayon, at Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino Virgilio S. Almario.

Yari ang hubog-kawayang bantayog sa stainless steel at may taas na sampung talampakan. Nakaukit sa katawan nito ang baybaying bersiyon ng “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ni Andres Bonifacio. Lumiliwanag din ang teksto para sa mga nais bumisita sa kinatatayuan nito sa plaza tuwing gabi.

Ang wikang Tuwáli, batay sa mga saliksik ay isa sa pinakagamiting wika sa lalawigang Ifugao. Matatagpuan ang mga nagsasalita nito sa mga bayan ng Kiangan, Hingyon, Hungduan, at ilang bahagi ng Lamut, Asipulo, Lagawe, at Banaue; at sa ilang nakapaligid na lalawigan gaya ng Nueva Vizcaya, La Union, Isabela, at Quirino.

Mababása ang karagdagang impormasyon tungkol sa wikang Tuwáli sa marker na kapuwa mayroon sa wikang Tuwáli at Filipino.

Inaasahan ang pagtatayo ng iba’t ibang Bantayog-Wika sa Filipinas na mayroong 130 katutubong wika at itinuturing na di-materyal na pamanang pangkultura o intangible cultural heritage. Itinataguyod ito ng Tanggapan ni Senador Loren B. Legarda at Komisyon sa Wikang Filipino. (Komisyon sa Wikang Filipino)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.