Pagkatapos magsagawa ng 2 batch ng training para sa mga nagnanais na magsilbi bilang eco-police, kinatawanan na ang 22 bagong kasamahan n...
Pagkatapos magsagawa ng 2 batch ng training para sa mga nagnanais na magsilbi bilang eco-police, kinatawanan na ang 22 bagong kasamahan ng pamunuang panlungsod sa istriktong pagpapatupad ng city ordinance no. 2622 Sa mga lugar na itatalaga sa mga ito.
Ayon sa tanggol kalikasan program officer na si raymond villalon, ang mga bagong talagang eco police ay kinabibilangan ng mga ordinaryong resdidente at barangay police ng iba’t-ibang barangay sa poblacion.
Bukod sa pagbabayad ng multang p300 piso hanggang p5000 piso, kakailanganin ring magsagawa ng community service at dumalo ng seminar tungkol sa ecological solid waste management ang mga mahuhuling lumabag sa nasabing ordinansa.
Maliban naman sa pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar, mapa balat man ng kendi o upos ng sigarilyo , mas malaki umano ang magiging multa kapag nahuling nagsunog ng basura. Gayundin umano sa mga maglalabas ng kanilang basura sa maling araw, oras at sistema ng pagsesegrega .
Sa ngayon, wala pa aniyang citation ticket na iniisyu sa mga ito at wala pang nagaganap na pagpapataw ng multa sa mga pasaway na residente. Nakapokus lamang muna umano ang mga eco-police sa pagsasagawa ng information dessimination sa mga barangay sa lungsod sa pamamagitan ng pamimigay ng leaflets kung saan nakatala dito ang mga maaring maging violation at mga karampatang parusa para dito.
Dagdag pa nito, pinasimulan ng kanilag opisina at ng cgso ang kalakarang ito noong setyembre pa ng nakaraang taon, at mula noong enero ng kasalukuyang taon ay nagsimula na silang magdaos ng mga seminar sa mga barangay sa lungsod tungkol sa nasabing batas.
Kung dati naman ay napag-usapang 50-50 ang hatian ng mga eco-police at ng barangay kung saan naganap ang paglabag sa ordinance no. 2622 , Ngayon , 50% ng makokolektang multa ay mapupunta sa nanghuling eco-police, 40 % nito ay mapupunta sa barangay at ang 10 % naman ay mapupunta na sa pamunuang panlungsod..
Hinihintay na lamang umano ng kanilang opisina kasama ang cgso ang amyenda ng sanguniang panlungsod ng pangungunahan ng chairman ng committee on environment protection na si kon. Anacleto alcala iii.
Samantala sakaling mabatid umano ng kanilang opisina ang pangangailangan pa ng mga karagdang eco-police, lalo na’t sa mga susunod na buwan ay uunti-untiin naring ipatupad sa mga karatig na barangay sa poblacion ang no segregation, no collection policy, binabalak nilang magsagawa muli ng panibagong seminar na kabibilangan naman umano ng mga traffic enforcer at mga myembro ng mga samahan ng traysikel drivers at jeepney drivers sa lungsod na syang laging laman ng kalsada mapa araw man o gabi upang maging kaisa umano ng pamunuang panlungsod sa pagbabantay ng mga residenteng pasaway. (Pio lucena- c. Zapanta)

No comments