Provincial President League of Barangay, Quezon (PPLB)President Hon. Ferdinand ”Ferlou” Llamas || kasama si Hon. Samuel B. Nantes Provinc...
Provincial President League of Barangay, Quezon (PPLB)President Hon. Ferdinand ”Ferlou” Llamas || kasama si Hon. Samuel B. Nantes Provincial Vice Governor (Photo by: Lyndon Gonzales) |
by Ace Fernandez
Sangguniang Panlalawigan, Quezon Provincial Capitol- May bago nang PPLB President ang lalawigan ng Quezon at ito ay si ABC President Ferdinand “Ferlou” Llamas II ng Mauban, Quezon na siyang pumalit sa dating PPLB President na si Bokal Esguerra na nag resigned sa pwesto dahil lumaban sa SK Chairman ang anak nito sa nakalipas Brgy./SK Election bilang pagsunod sa probisyon ng batas sa Barangay/Sangguniang Kabataan Election Law.
Si PPLB President Ferdinand “Ferlou” Llamas II ay kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan lalo na sa paglaban sa illegal na droga. Estrikto sa pagpatupad ng batas sa kanilang Barangay subalit may puso at malasakit sa kanyang mga mamamayan.
Hindi rin matatawaran ang kasipagan ni PPLB President Ferlou Llamas dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-karoon ng magandang Brgy. Hall ang Brgy. Sadsaran, Poblacion, Mauban Quezon ng siya ay maupo bilang Brgy. Chairman. Makakaasa ang mga taga lalawigan ng Quezon na lalo pang paiigtingin ang pagsusulong ng Pederalismo sa lalawigan bilang pinuno ng PPLB at bilang pag-suporta sa pangulo.
No comments