by Boots R. Gonzales SARIAYA, Quezon-- Mariin na kinokondena ng mga taga Brgy Castanas at iba pang barangay ng bayan ng Sariay...
by Boots R. Gonzales
SARIAYA, Quezon-- Mariin na kinokondena ng mga taga Brgy Castanas at iba pang barangay ng bayan ng Sariaya partikular iyun mga nasa laylayan ng tabing dagat ang pagkakaroon ng planta na kung saan ito ay ang 600MW Coal Fired Power Plant. Ito ang naging panayam ng Sentinel Times sa mga taga barangay na nakakasakop dito.
Ayon sa kanila hindi man lang daw sila sinabihan ng kinaukulan na ang nasabing tinatayong planta ay itutuloy na , kung kaya aniya sila ay nagtaka ukol dito at mariin nananawagan sa kinaukulan na ito ay pahintuin dahil alam nila na ang nasabing power plant ay hindi maganda para sa mga residenteng nasasakupan ganun din sa kalikasan.
Talagang alam natin na ang pagkakaroon ng isang coal plant sa isang lugar ay matindi ang ibibigay nitong sakit sa kalusugan ganun din sa kapaligiran. Dahil alam natin na ang ganitong planta ay ipinagbabawal na kahit sa ibang bansa dahil nga sa sari-saring sakit na idudulot nitong ganitong planta.
Ayon sa atin napag alaman, tatlumput anim (36%) por siyento ang ibinubugang carbon dioxide sa himpapawid ng Pilipinas ay galling sa mga plantang pinapatakbo ng Coal Carbon . Sa kabila ng piligrong idinudulot ng ganitong mga planta sa atin mga kapaligiran , ipinagpipilitan ng pamahalaan ang Coal Cold Power Plant dahil anya ito ay mas mura diumano kaysa sa ibang planta. Ngunit ito ang pinabubulaanan ng mga dalubhasa . Sinabi nila , pinakamura nga sa merkado ang coal kung hindi isasama ang masamang epekto nito sa kapaligiran . Subalit kung isama ang polusyon na dulot nito, ang Coal Power Plant ang pinaka magastos at pinakamasama sa kalikasan.
Mayors reply :
Sa Aking Mahal Na Kababayan,
Bumisita po kame kasama ang atin VM Alex Tolentino at lahat ng bumubuo sa Sanggunian Bayan sa San Miguel Corporation sa pamumuno mismo ng kanilang Presidente Ramon S. Ang at binigyan patunay na wala po na Coal Fired Power Plant sa atin minamahal na bayan ng Sariaya . Mismong ako na po na ama ng Bayan ng Sariaya ay hinding –hindi papayag na magkaroon tayo ng nasabing uri ng power plant. Para po sa kabatiran ng lahat , para sa pag unlad ng bayan , magkaisa po tayo para sa bayan . Ito po ang sagot ng mayor ng nayan ng Sariaya patungkol sa usapin ng power plant dito.( April 20 , 2018)
No comments