by Allan P. Llaneta Patay ang bodyguard ng isang Mayor sa Quezon makaraan itong pagbabarilin nang riding in tandem na suspek sa baran...
by Allan P. Llaneta
Patay ang bodyguard ng isang Mayor sa Quezon makaraan itong pagbabarilin nang riding in tandem na suspek sa barangay Sta Rosa sa Mulanay Quezon.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Ruben Pontilar Subia, 60 anyos, isa sa mga bodyguard ni Mayor Tito Ojeda sa nasabing bayan.
Ayon sa Mulanay PNP pasado alas 5:00 nang madaling araw ng Mayo 26, nang pagbabarilin ang biktima nang dalawang nakamotorsiklong suspek. Tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan nang di pa matukoy na kalibre nang baril ang agarang pumatay sa biktima.
Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation nang pulisya sa ngayon para mahuli ang mga tumakas na suspek matapos ang krimen.
Samantala nanawagan naman si Mulanay Quezon Mayor Tito Ojeda nang agarang pagsibak kay Police Chief Inspector Joselito Araja hepe ng pulis sa kanilang bayan dahilan sa umanoy pagbalewala sa kanya bilang mayor at sa patuloy daw na pagbibigay nang police security kay Engineer Rudy Aguirre na kapatid naman ni dating Doj Secretary Vittaliano Boy Aguirre.
No comments