Konsehal Jippers Albis by Ace Fernandez SARIAYA, Quezon -- “Dapat ay nauunawaan ng gobyerno ang tao at nauunawaan ng tao ang gobyer...
Konsehal Jippers Albis |
by Ace Fernandez
SARIAYA, Quezon -- “Dapat ay nauunawaan ng gobyerno ang tao at nauunawaan ng tao ang gobyerno kaya dapat may transparency sa pamahalaan. Hindi dapat nakatago ang agenda ng mga namumuno sa gobyerno dahil ano man ang maging kaganapan sa LGU ay dapat alam ito ng mga mamamayan”, ito ang matapang na sinabi ni Konsehal Jippers ng Sariaya.
Aniya, dapat pagsamasamahin ang boses ng taong bayan upang marinig at makamit ang totoong ninanais nila sa kanilang komunidad. Tulad ng usapin sa CLUP-Comprehensive Land Use Plan ng Sariaya dapat alam ng mga manininda sa Public Market na kasama sa plano ng Sariaya LGU ay ang pagpasok sa Private Public Partnership (PPP’s) sa mga kumpanya ng Savemore, Puregold at City Mall.
Aniya, kapag nangyari ang mga ito, tataas ang renta at baba ang benta ng mga vendors. Higit din ika niya na maapektuhan ang mga mamamayan sa mga barangay na isasailalim sa Heavy Industrial Area na aabot sa 14,888 ang bilang ng mga taong tiyak na maapektuhan. (Barangay Castañas -6,113, Brgy. Talaan Aplaya-2,980, Brgy. Talaan Talon-2,185, Brgy. Limbon -1,257, Brgy. San Roque- 2,250) Magiging highly polluted diumano ang mga nasabing komunidad dahil sa lugar na ito ay pwedeng mag tayo ng Power Plant na sa kategoryang ito ay pwedeng Hydro Geothermal na kabilang dito ay ang Coal Fired Power Plant.
Sinabi pa ni Konsehal Jippers Albis na kapag ibang heavy industrial ang itatayo dito ay maaring maapektuhan ang karagatan, mga magsasaka at turismo sa nasabing lugar. Sa huli ay sinabi ng konsehal na bubuhayin nila ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa usapin sa CLUP sapagkat hindi kami ang matatalo dito kung hindi ang taong bayan na bagaman at talo kami sa botohan ay mananatili ang aming paninindigan at ipaglalaban ang mga apektadong mamamayan.
Sa kabatiran mamamayan ang CLUP ay isang dokumentong binubuo ng mga espesipikong proposal upang maging gabay, mag regulate ng pag-unlad o kaunlaran. Sinasabi na ang main components ng CLUP sa kapakinabangan nito ay ang mga pag-aaral sa mga sektor tulad ng Demography Socio – Economic Infrastructure and Utilities, Local Administration and Land Use. Nasasaad din sa tinatanung na Environmental Critical Projects ay ang mga proyektong may mataas na potensyal sa Negative Environmental Impact sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 2146 dated December 14, 1981.
Sinasabi pa na sa Light Industrial Area ay lugar na inilaan sa ilalim ng CLUP ay para sa Non-pollutive/non-hazardous industries. With Reports: Ace Fernandez @ Laliga Pilipinas This News Article reported @ Magik 90.3FM News and Current Affairs, The Philippine Updates Sentinel Times Weekly
No comments