Muling ibinida kamakailan ng mga mamamayan ng Sampaloc ang iba’t-ibang likha at obra na gawa sa buri kasabay ng pormal na pagbubukas ng ...
Muling ibinida kamakailan ng mga mamamayan ng Sampaloc ang iba’t-ibang likha at obra na gawa sa buri kasabay ng pormal na pagbubukas ng taunang selebrasyon ng Bulihan Festival sa Sampaloc, Quezon.
Layunin nito na maipagmalaki ang mga natatanging produkto mula sa buri gaya ng pamaypay, bayong, kasuotan, sombrero atbp. Nagkaroon din ng mga paligsahan sa pagandahan ng sombrero at gawang arko sa taunang “Arkontest” kung saan itinanghal na mga nanalo ang mga barangay ng Bataan (1st place) na may Php 100,000 na halaga ng proyekto, Bilucao (2nd place) Php 75,000 at Sar (3rd place) Php 50,000.
Ang nasabing pagdiriwang ay binuksan sa pangunguna nina G. Gero Devanadera, Municipal Mayor kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan gayundin sina Provincial Tourism Dept. Head Alberto Bay, Provincial Agriculturist Roberto D. Gajo, at Provincial Assessor Melojean Puache.
Binigyang-pansin din ang mga natatanging talento ng mga Sampalukin sa pamamagitan ng sayaw at awit kung saan bahagi rin ng programa ang pagbibigay mensahe nina Municipal Administrator Nico Devanadera, Mayor Gelo Devanadera at Provincial Tourism Dept. Head Alberto S. Bay. (OPA-Info Unit / Quezon-PIO)
No comments