UPANG MASIGURO ANG KALINISAN SA KABAYANAN SA PAGDIRIWANG NG PASAYAHAN 2018, KUMUHA ANG TANGGAPAN NG CITY GENERAL SERVICES SA PANGUNGUNA NI...
UPANG MASIGURO ANG KALINISAN SA KABAYANAN SA PAGDIRIWANG NG PASAYAHAN 2018, KUMUHA ANG TANGGAPAN NG CITY GENERAL SERVICES SA PANGUNGUNA NI ROSIE CASTILLO NG 10 PORTABLE TOILET O PORTALETTE.
PAHAYAG NI CASTILLO, NAIS NILANG HINDI NA MULING MAULIT PA ANG REKLAMONG NATATANGGAP NG KANILANG OPISINA TUNGKOL SA DI KANAI-NAIS NA AMOY SA TUWING IPINAGDIRIWANG ANG KAPISTAHAN NG LUNGSOD.
DAHILAN DAW UMANO ITO NG KAKULANGAN NG MGA PAMPUBLIKONG PALIKURAN. KUNG KAYA’T SA UANG PAGKAKATAON AY NAGRENTA ANG KANILANG TANGGPANAN NG MGA PORTALETTES NA ITO.
PUMAPATAK NAMAN SA MAHIGIT 80 LIBONG PISO ANG MAGAGASTOS PARA DITO AT UMAABOT NG 8000 PISO ANG RENT PARA SA ISANG UNIT NITO. SA KATUNAYANA, ITO NA UMANO ANG PINAKA MABAABNG PRESYO NA KANILANG NAKUHA SA KANILANG PAGCACANVAS.
PAHAYAG PA NI CASTILLO, SARILING DUKOT RIN UMANO MULA SA BULSA NG BUTIHING SI MAYOR DONDON ALCALA ANG IPAPAMBAYAD PARA SA ISANG BUWANG PAGRENTA NG MGA ITO.
AYON PA KAY CASTILLO, UPANG HINDI NA GAANONG MAS MAGASTUSAN PA ANG LOCAL NA PAMAHALAAN PARA SA MAINTAINANCE NG MGA PORTALETTES, NAKIPAG-UGNAYAN NA ANIYA ANG KANILANG TANGGAPAN SA MGA LOKAL NA RESIDENTE NA MAAARING MAGPANATILI NG KALINISAN NG MGA ITO. KASAMA ANIYA SA MGA ITINALAGA NILANG MAGBANTAY NG MGA UNIT MULA GABI HANGGANG UMAGA AY ANG MGA STREET SWEEPERS SA BAYAN NANG SA GAYON AY MAIWASAN ANG PAG-ALINGASAW NG HINDI KAAYA-AYANG AMOY.
KAUGNAY NITO AY NAIS NA BIGYANG KAALAMAN NI CASTILLO HINDI LAMANG ANG MGA LUCENAHIN KUNDI MAGING ANG MGA DADAYO AT MAKIKISA SA SELEBRASYON NG PASAYAHAN SA LUCENA 2018 NA MAYROON NANG MAGAGAMIT NA PALIKURAN ANG PUBLIKO. ILALAGAY UMANO NILA SA IBA’T-IBANG KALYE SA KABAYANAN ANG 10 UNIT NG PORTALLETE NA ITO.
DAGDAG PA NITO, MADALI NAMAN ANIYANG MAKIKITA ITO SAPAGAKAT MAY MGA SIGNAGE SILANG ILALAGAY KUNG SAAN NILA ITO IPWEPWESTO. (PIO Lucena-C. Zapanta)
No comments