SA HARAPAN NG DAAN-DAANG LUCENAHIN NA DUMALO AT NAKIISA SA ISINAGAWANG UNITY WALK S.A.F.E 2018 NA GINANAP KAMAKAILAN AY INIHAYAG NI P/SUPT...
SA HARAPAN NG DAAN-DAANG LUCENAHIN NA DUMALO AT NAKIISA SA ISINAGAWANG UNITY WALK S.A.F.E 2018 NA GINANAP KAMAKAILAN AY INIHAYAG NI P/SUPT. VICENTE CABATINGAN BILANG HEPE NG LUCENA PNP ANG PAGKAGALAK NITO SAPAGKAT NAKATITIYAK SIYANG MAGKAKAROON NG MAPAYAPANG BARANGAY AT SK HALALAN ANG LUNGSOD NG LUCENA.
SA MAHIGIT 3 BUWAN NA PAG-UPO NI CABATINGAN BILANG HEPE NG PULISYA, IKINALULUGAD ANIYANG IBALITA SA MGA LUCENAHIN NA HINDI KATULAD NG ELEKSYON SA IBANG LUGAR, ANG LUNGSOD NG LUCENA AY HINDI KABILANG SA ELECTION HOTSPOT.
PAHAYAG PA NITO, WALA MAN SIYANG KAMAG-ANAK SA LUNGSOD MARAMI NAMAN SIYANG KAKILALA SA LUGAR. NGUNIT DAHIL ANG MANDATO SA KANILANG AHENSYA AY ANG MAGPANATILI NG KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN SA KANILANG NASASAKUPAN LALONG-LALO NA SA PANAHON NG HALALAN. KUNG KAYA’T BILANG HEPE NG KANILANG TANGGAPAN, ASAHAN UMANO NG MGA LUCENAHIN NA TUTUPARIN NILA ANG KANILANG TUNGKULIN AT ASAHAN ANG MAAYOS AT PATAS NA LABAN.
GIIT DIN NITO, 80 PORSYENTO NG KANYANG GRUPO AY MGA TAGA BINAN NA MAGIGING MALAKING FACTOR RIN UMANO UPANG MASIGURONG WALA ANG MGA ITONG KIKILINGAN.
UMAPELA RIN SI CABATINGAN SA MGA KAKANDIDATO SA PAGKAKAKIPATAN, BARANGAY KAGAWAD , SK CHAIRMAN AT SK KAGAWAD. AYON DITO, KUNG ANO MAN ANG KALABASAN NG ELEKSYON NAWA AY TANGGAPIN NG MGA ITO GAYUNDIN , INAASAHAN NG HEPE ANG PARTISIPASYON NG MGA ITO SA KANILANG AHENSYA PARA SA ISANG MALINIS AT MAPAYAPANG HALALAN.
No comments