by Allan P. Llaneta LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Eksakto 5, 459 ang lumahok sa isinagawang Worlwide Walk to Fight Poverty nang Iglesia ...
by Allan P. Llaneta
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Eksakto 5, 459 ang lumahok sa isinagawang Worlwide Walk to Fight Poverty nang Iglesia Ni Cristo dito sa Quezon West sa Local ng Lucena noong Mayo 6.
Ganap na alas 5:45 ng madaling araw ng mag-umpisang lumakad ang mga Kapatid mula sa starting point sa bahagi ng Alcala Sports Complex sa brgy Ibabang Iyam sa Lungsod.
Bata at matandang dumalo ay di inalintana ang init ng araw para lamang makibahagi sa nasabing paglalakad bilang suporta sa paglaban sa kahirapan sa sa buong mundo.
Kabilang din sa dumalo ang ilang pribadong tao kasama ang mga opisyales ng bayan.
Ayon kay Lucena City Councilor Anacleto Third Alcala, ang mga Kapatid sa INC ay kakikitaan nang tunay na disiplina sa kani kanilang sarili sa pamamagitan sa pagsunod sa namamahalang pangkalahatan sa Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Samantala, nagdulot man nang mabigat na daloy nang trapiko ang Worldwide walk dito sa lungsod ay wala namang anumang untowards incident ang napatala.
No comments