Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HONORARIA NG MGA POLL WORKERS, AGAD NA MAIIBIGAY AYON SA CITY COMELEC

TINIYAK NG HEPE NG CITY COMELEC NA SI ATTY BARBACENA NA MATATANGGAP KAAGAD NG MGA MAGSISILBI SA BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTI...

TINIYAK NG HEPE NG CITY COMELEC NA SI ATTY BARBACENA NA MATATANGGAP KAAGAD NG MGA MAGSISILBI SA BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS SA IKA- 14 NG MAYO ANG KANILANG KUMPENSASYON KAPAG NATAPOS NA ANG ELECTION DUTIES NG MGA ITO.

AYON KAY BARBACENA, SA KATULAD NG LUCENA NA ISANG HIGHLY URBANIZED CITY, MATATANGGAP NG MGA POLL WORKERS ANG KANILANG HONORARIUM SA PAMAMAGITAN NG CASH CARD NG DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES (DBP).

NGUNIT SA ILANG MGA LUGAR NAMAN UMANO NA WALANG MGA BANKO, MATATANGGAP NG MGA ITO NANG CASH ANG KANI-KANILANG HONORARIA AT TRAVEL ALLOWANCES.

MISMONG MGA ELECTION OFFICERS SA KANI-KANILANG LUGAR ANG MANGUNGUNA SA PAGBIBIGAY NG MGA BAYAD.

SAMANTALA, AYON NAMAN KAY BARBACENA, MAS MALAKI NA UMANO ANG HONARARIANG MATATANGGAP NG MGA POLL WORKERS NGAYON KUMPARA NOONG NAKARAANG HALALAN NOONG TAONG 2016.

NGUNIT AYON DIN KAY BARBACENA, HINDI KATULAD NOONG NAKARAANG HALALAN, MAY KAUKULANG TAX NA ANG MGA HONORARIUM AT TRAVEL ALLOWWANCES NA MATATANGGAP NG MGA ITO.

HALIMBAWA ANIYA, SA 6000 PISONG HONORARIUM AT 1000 TRAVEL ALLOWANCE NA MATATANGGAP NG CHAIRPERSON NG ELECTORAL BOARDS, KAKALTASAN PA ITO NG TIG 5 PORSYENTO PARA SA TAX.

SA NGAYON UMANO AY ITO ANG IPINATUTUPAD NG BUREAU OF INTERNAL REVENUE O BIR NGUNIT GIIT DIN NITO NA NAKIKIPAG-USAP PA MULI ANG COMELEC SA NASABING TANGGAPAN UKOL DITO.

GAYUNPAMAN, ANI BARBACENA BUKOD SA HONORARIRA AT TRAVEL ALLOWANCES, MAY SERVICE CREDIT AT IBA PANG BENEPISYONG NAKALAAN PARA SA MGA ITO.

MAY SERVICE CREDIT UMANO ANG MGA ITONG MATATANGGAP NA DI BABABA SA 5 ARAW, DEATH BENEFITS NA 500 LIBONG PISO, MEDICAL ASSISTANCE NA 100 LIBONG PISO AT LEGAL ASSISTANCE NA 50 LIBONG PISO.

BATAY SA REPUBLIC ACT 10756 O ELECTION SERVICE REFORM ACT, ANG MGA MAGSISILBING CHAIRPERSON NG ELECTORAL BOARDS AY TATANGGAP NG P6,000, HABANG ANG MGA MIYEMBRO AY MAY TIG-P5,000.

ANG MGA DEPARTMENT OF EDUCATION SUPERVISOR OFFICIAL (DESO) NAMAN AY MAKAKAKUHA NG TIG-P4,000, HABANG TIG-P2,000 ANG SUPPORT STAFF AT LAHAT NG MGA ITO AY MAKAKATANGGAP NG TIG-P1,000 PISONG TRAVEL ALLOWANCE. (PIO Lucena-C. Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.