Matapos ang dalawang araw na pagsasanay ukol sa Integrated Farming System na isinagawa sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigan Agriku...
Matapos ang dalawang araw na pagsasanay ukol sa Integrated Farming System na isinagawa sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor, pinagkalooban kamakailan ang dalawampung farm cooperators mula sa bayan ng Lopez at Guinayangan ng farm inputs bilang bahagi ng kabuuang programa ng pamahalaan.
Sa adhikaing mapaunlad ang industriya ng niyugan sa Quezon, patuloy na isinasakatuparan ang proyektong Integrated Farming System na naglalayong maging modelo ang sampung sakahan ng niyog upang tularan ng kapwa magsasaka ang kagandahang naidudulot ng sistemang ito.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang iba’t-ibang gulay na pananim, organikong pataba, abono, pestisidyo, knapsack sprayer, plastic drum at iba pang kagamitan sa sakahan gaya ng pala, patik at karet.
Bukod sa mga nabanggit, kasunod na ipinagkakaloob sa mga magsasaka ang mga pang matagalang pananim gaya ng cacao at saging kabilang din dito ang mga native na baboy na magbibigay karagdagang hanapbuhay sa mga ito. (OPA-Info Unit / Quezon-PIO)
No comments