Upang makita ang kalalagayan ng ilang mga buntis sa lungsod, binisita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga ito kamakailan. Nagtungo an...
Upang makita ang kalalagayan ng ilang mga buntis sa lungsod, binisita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga ito kamakailan.
Nagtungo ang alkalde sa ginanap na seminar ng mga buntis sa multi-purpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay na nakasama rin niya dito si Executivve Assistatnt IV Joe Colar.
Tinatayang mahigit sa 100 mga buntis na nagmula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena ang nagtungo sa seminar na ito hinggil sa programa ni Mayor Dondon Alcala na First 1000 Days o F1K.
Sa maiksing programa na isinagawa dito at sa naging pananalita ni Mayor Alcala sa mga buntis, kaniyang ipinaliwanag ang ilang mga detalye sa programa ng F1K.
Aniya sa ilalim ng programang ito, ang lahat ng mga buntis ay binibigyan ng Philhealth upang magamit ng mga ito sa kanilang panganganak.
Bukod dito, sakali aniyang ninais ng mga ito na manganak sa tatlong lying-in sa lungsod, na matatagpuan sa Brgy. Ibabang Dupay, Cotta, at Dalahican, ay libre ang mga ito sa lahat ng kanilang gastusin.
Dagdag pa rin ng alkalde, kapag nakapanganak na ang mga ito ay kukumpletuhin rin ang mga bakuna para sa kanilang mga anak.
Nagbigay tagubilin rin si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga buntis sa lugar at sinabing hindi dapat katakutan ang mga bakuna na ibinibigay sa mga sanggol dahil aniya mas magiging delikado ang kalagayan ng mga sanggol kung hindi ito pababakunahan.
Sa huli ay kaniyang pinasalamatan rin ang lahat ng mga buntis na dumalo dito sa ginawang pagtangkilik ng mga ito sa programa ng Bagong Lucena.
Ang programang First 1000 Days o F1K ay nagsimula pa noong maupo bilang punong lungsod si Mayor Dondon Alcala dahilan sa isa sa hinahangad nito ay ang maging maayos ang kalalagayan ng mga buntis sa Lucena at ang kanilang magiging anak. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments