Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ILANG MGA KAPITAN SA LUNGSOD, SANG-AYON NA ITAAS ANG SWELDO NG MGA BARANGAY OFFICALS

SA SANG-AYON ANG ILANG MGA INCUMBENT BARANGAY OFFICIALS SA PAGBUBUKAS NI KONSEHAL BRIZUELLA NG USAPIN SA KONSEHO TUNGKOL SA PAGKAKAROON NG ...

SA SANG-AYON ANG ILANG MGA INCUMBENT BARANGAY OFFICIALS SA PAGBUBUKAS NI KONSEHAL BRIZUELLA NG USAPIN SA KONSEHO TUNGKOL SA PAGKAKAROON NG FIX NA SWELDO AT MGA BENEPISYO PARA SA MGA OPISYALES NA MAIHAHALAL SA DARATING NA MAYO KATORSE .

ANG MGA PUNONG BARANGAY AT SK PRESIDENT KASAMA ANG TIG PITO NITONG MGA KAGAWAD AY ANG SYANG UNANG NILALAPITAN NG MGA RESIDENTE SA KANILANG KOMUNIDAD. ANG MGA ITO RIN ANG RESPONSIBLE SA PAGPAPANATILI NG KAAYUSAN AT KATAHIMIKAN SA LUGAR NA KANILANG NASASAKUPAN.

NGUNIT SA NGAYON AY TUMATANGGAP LAMANG NG HONORARIA ANG MGA BARANGAY OFFICIALS NA BATAY SA INTERNATIONAL REVENUE ALLOTMENT NA BINIBIGAY NG NATIONAL GOVERNEMENT NA DEPENDE NAMAN SA POPULASYON NG BARANGAY AT MGA ESTABLISHMENTONG NAKATAYO SA LUGAR NA SAKOP NITO.

SAKALING PABORAN ITO NG KONSEHO, BUKOD SA MGA BENEPISYO GAYA NG GSIS, PHILHEALTH AT PAG-IBIG FUND AY MAKAKATANGGAP RIN ANG KAPITAN NG BARNAGY NG SALARY GRAE 15, ANG MGA KAGAWAD NAMAN NITO AY MAKAKATANGGAP NG SALARY GRADE 12 HABANG ANG SERCRETAY AT TREASURER NAMAN AY MAKAKATANGGAP NG SALARY GRADE 10 NA TIYAK NA MAGIGING MALAKING TULONG PARA SA MGA ITO.

KAUGNAY NITO, MALAKING BAGAY UMANO ANG MUNGKAHING ITO NI BRIZUELLA AYON SA KAPITAN NG GULANG-GULANG NA SI NARFIL ABRENCILLO.

ANI ABRENCILLO, MAS MAINAM KUNG MAY SAHOD ANG MGA OPISYAL NG BARANGAY DAHIL ANG MGA ITO ANG UNANG NILALAPITAN NG MGA RESIDENTE NA NANGANGAILANGAN NG TULONG. GAYUNDIN UPANG MAGING PANTAY-PANTAY UMANO ANG LAHAT AT HINDI LAMANG ANG MGA OPISYALES NG MALAKING BARANGAY ANG NAKAKATANGGAP NG MALAKING HONORARIA.

DAGDAG PA NITO, ANG TRABAHO UMANO NG MGA OPISYALES SA BAWAT BARANGAY AY HINDI RIN BIRO.

SAMANTALA, GAYUNDIN DIN ANG NAGING OPINION NG KAPITAN NG BARANGAY NG IBABANG DUPAY AT ABC PRESIDENT NG LUNGSOD, JACINTO BOY JACA. AYON DITO, KAPAG MAY FIX SALARY NA ANG MGA OPISYALES NG BARANGAY, KAPAG HINDI UMANO NAGTRABAHO O PUMASOK SA OPISINA ANG MGA ITO, AUTOMATIC NA WALANG SWELDO. NGUNIT KAPAG HONORARIUM ANG NATATANGGAP NG BAWAT-ISA, KAHIT HINDI PUMASOK ANG MGA ITO AT GAWIN ANG KANILANG MGA TUNGKULIN AY MAKATATANGGAP PARIN NG HONORARIA.

SAKALING UMUSAD ANG PANUKALANG ITO SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD, ANG MGA IHAHALAL NG TAONG BAYAN NA UUPO BILANG MGA BAGONG OPISYAL NG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ANG SYANG MAKIKINABANG. (PIO Lucena-C. Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.