Isinagawa kamakailan ang isang one-day job hiring sa lungsod sa pamumuno ng kompanyang Personal Collection Direct Selling Incorporated. Nag...
Isinagawa kamakailan ang isang one-day job hiring sa lungsod sa pamumuno ng kompanyang Personal Collection Direct Selling Incorporated.
Nagsimula ang programa mula alas-nueve ng umaga hanggang alas tres ng hapon sa 4th floor ng Lucena City Government Complex
Iba’t ibang posisyon ang maaring aplayan sa naturang aktibidad tulad na lang ng business development managers, branch operations supervisor at credit and collection specialists para sa mga managerial positions at invoicing clerk, cahiers, warehouse custodian and assistants para sa operational positions.
Tinatayang mahigit sa limampung aplikante naman na mamamayang ng Lucena at mga karatig bayan ang nakilahok at nagbakasakaling matatanngap sa job hiring
Apat naman sa mga ito ang naging on the spot hired at pinag-aabyad na ng kani-kanilang requirements, habang ang iba pa ay nasa ilalim pa ng assessment.
Naisakatuparan ang programa sa tulong na din ng City Public Employment Services Office sa pamumuno ni Arnulfo Cayno at ng Department of Labor and Employment Quezon.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng nasabing kompanya sa City PESO dahilan sa koordinasyon nito sa ganitong uri ng aktibidad gayundin sa pagtulong sa kanila sa pagpapakalat ng announcement at information para sa nasabing event.
Inaasahan naman na sa tulong ng mga programang tulad nito ay magkaroon ang lahat ng mamamayan ng pantay na oportunidad para makapag trabaho gayundin na mas tumaas pa ang employment rate ng lungsod. (PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments