Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kick off ceremony ng Pasayahan sa Lucena, matagumpay na isinagawa

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Matagumpay na isinagawa kahapon ng umaga ang kick off ceremony ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa l...


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Matagumpay na isinagawa kahapon ng umaga ang kick off ceremony ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa lungsod ng Lucena, ang Pasayahan sa Lucena.

Pormal na isinagawa ang pagdiriwang nito sa pangunguna ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasam ang kaniyang anak na si Gracielle Dawn Victor Alcala bilang tumatayong ambasadress ng Pasayahan sa Lucena 2018.

Maging ang mga konsehal ng lungsod ay nakibahagi rin sa pagdiriwang na ito na kinabibilangan nina Councilors Vic Paulo, Nilo Villapando, Benny Brizuela, William Noche at anak nitong si Engr. Wilbert Noche, ABC President Jacinto “Boy” Jaca, at ilang mga kapitan ng barangay.

Kasama rin ng alkalde nakiisa sa pagdaraos nito sina City Administrator Anacleto “jun” Alcala Jr, Executive Assistant IV Joe Colar, Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña, ilang mga department heads at kawani ng pamahalaang panlungsod.

Sinimulan ang naturang pagdiriwang sa pamamgitan ng live TV coverage ng programang Umagang Kay Ganda na pinangunahan ng host at impersonatro na si Karen Kaladkaren.

Sa nasabing programa, ipinakita dito ang ilang mga ipinagmamalaking produkto ng Bagong Lucena na Chami at Tinapa.


Ipinamalas rin ng mga kusinerong Lucenahin ang kanilang galing sa pagluluto ng iba’t-ibang pamamaraan sa pagluluto ng chami gayundin ang iba’t-ibang uri ng mga kakanin na maaring mabili dito sa Lucena.

Buong ipinagmalaki rin sa okasyong ito ang kauna-unahang longest noodle boodle fight na aabot sa tinatayang mahigit na 750 metro na nagsimula sa kanto ng Gomez at Quezon Avenue hanggang sa kanot ng Guinto at Quezon Avenue Streets.

Mahigit rin sa 500 mga mesa ang ginamit dito at mahigit rin sa 3,500 mga Lucenahin ang nakibahagi dito at nakikain ng inihaing mga produkto ng lungsod na chami at tinapa.

Ang pagpapakitang ito ng tinatawag na One Town, One Product o OTOP ng Lucena sa naturang palabas ay upang ipakita sa lahat ang natatanging pagkain na mabibili sa Lucena.

Kitang-kita rin ang katuwaan sa mga Lucenahin na nakibahagi sa boodle fight na ito at sa pagsisimula ng isang linggong kasiyahan ng pagdiriwang ng Pasayahan sa Lucena.

Ang unang bugso ng pasayahan sa Lucena na live TV coverage sa Umagang Kay Ganda ay pinamunuaan ni City Librarian Miled Ibias.

Ang isinagawang live TV coverage ng UKG ay ang unang bahagi pa lamang ng Pasayahan sa Lucena at tiyak na mas aabanagan pa ng mga Lucenahin at ng mga nagtutungo sa lungsod ng Bagong Lucena ang iba pang mga aktibidad sa pagdiriwang nito dahilan sa isa sa mga hinahangad ni Mayor Dondon Alcala para samga Lucenahin ay ang mabigyan ito ng kasiyahan na maaring ipagmalaki sa buong lalawigan at maging sa buong bansa at lalo’t higit sa buong mundo upang mas makilala ang Lucena City na isa sa mga maaring tunguhin tuwing sasapit ang pagdiriwang ng Pasayahan sa Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.