Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL SUNSHINE ABCEDE-LLAGA NAGBIGAY MENSAHE SA MGA BOTANTE NG NALALAPIT NA SK AT BARANGAY ELECTIONS

Tuloy na tuloy na ang pagsasagawa ng SK at Barangay Elections, sa katunayan nga ngayon ay nagsimula na ang panahon ng kampanyahan ng mga ku...

Tuloy na tuloy na ang pagsasagawa ng SK at Barangay Elections, sa katunayan nga ngayon ay nagsimula na ang panahon ng kampanyahan ng mga kumakandidato.

Kaugnay nito, sa naging panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga ay nagbigay siya ng mensahe para sa mga botante ng lungsod ng Lucena.

Unang una ay para sa mga kabataan na siyang pangunahing botante ng Sangguniang Kabataan Election, ani ni Llaga kunin ng mga kabataang Lucenahin ang pagkakataong ito upang maayos na makapamili ng kandidatong kanilang nanaising mamuno sa kanila ng tama at magiging mabuting pinuno at magandang halimbawa sa mga kabataan.

Ang SK election ngayong taon ay ang kauna-unahang pagkakataon na makapaghahalal ng mga opoisyales nito sa ilalim ng SK Reform Law.

Gayundin para sa mga buboto sa Barangay Election, piliin din aniya ng mga mamamayan ang sa tingin nilang karapat-dapat na mamuno at magsilbi ng maayos sa kani-kanilang barangay.

Nagbahagi din si Llaga ng mensahe para sa mga papalaring mapipili at mananalo sa darating na elsyon.

Ayon sa Konsehal, magsilbi aniya ng tunay sa mga kababayan sa bawat barangay. Itama ang mga nakikitang maling Gawain at ipagpatuloy ang mga tamang programa na nakikita nating nagbibigay benepisyo sa mga nasasakupan ng bawat barangay.

Sa huli ay hinikayat nito na magsumikap ang lahat ng mga mahahalal na maging isang pinakamahusay na lider sa lungsod. (PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.