Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Koponana ng Maryhill College High School Basketball Boys, nagwagi ng silver medal sa National PRISAA

Muli na namang nagdala ng karangalan sa lungsod ng Bagong Lucena ang koponan ng Maryhill College High School Basketball Boys matapos na mag...

Muli na namang nagdala ng karangalan sa lungsod ng Bagong Lucena ang koponan ng Maryhill College High School Basketball Boys matapos na magkamit ito ng silver medal award sa National Private Schools Atlethic Association kamakailan.

Ginanap ang naturang palaro sa Tagbiliran, Bohol noong nakaraang ika- 23 hanggang sa ika-28 ng Abril na kung saan ay inirepresenta ng mga ito ang Region 4A o Calabarzon Region.

Ito na ang pang-tatlong pagkakataon na napasali ang Maryhill College High School Basketball Boys sa nasabing palaro.

Dito ay nagharap-harap ang 11 mga delegasyon mula sa iba’t-ibang parte ng bansa at dito ay nakaharap ng nabanggit na delegado ang mga manlalaro mula sa Region 10 sa Semi-Finals ng paligasahan.

Hanggang sa manalo ang mga ito at nakaharap naman nila sa Finals ang Region 3 o ang mga players mula sa Letran Pampanga at umabot sa double overtime ang kanilang paghaharap hanggang sa makamit ng Region 3 ang panalo na mayroon lamang na 2 kalamangan laban sa Maryhill College High School Basketball Boys.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon ay nakamit ng delegado mula sa lungsod ang kampeonato nang ganapin ito sa Iba, Zambales habang noong taong 2016 naman ay nakamit rin ng mga ito ang ist runner up na ginanap naman ang naturang kompetisyon sa Koronadal, South Cotobato.

At bagamat hindi naiuwi ng mga manlalaro ng Maryhill College High School Basketball Boys ang gintong medalya para sa lungsod, lubos pa rin ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanila upang makamit ang paangal na ito.

Una nang pinasalamatan ng nabanggit na delegasyon si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa suporta at tulong pinansyal na ipinagkaloob nito sa kanila.

Gayundin, lubos ring pinasalamatan ng mga ito ang kanilang coach na si Aris Mercene at ang buong coaching staff sa paggabay sa kanila at ang lahat ng bumubuo ng Maryhill College Admin at staff sa pangunguna ni School Director Fr. Renato Naca.

Maging ang bumubuo ng QPLC family sa pangunguna si Mr. Noel Raya at Ronald Bebida, gayundin ang Alumni Asociation ng nasabing paaralan na pinamumunuan ni Mr. Willie Pagsyuin at sa PRISAAA Quezon Chapter na pinamumunuan naman ni Mr. Henry Porte. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.