Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 50 mga kabataan mula sa Brgy. Ibabang Iyam at Mayao Castillo, napabinyagan ng pamahalaang panlungsod

Kasabay ng agdiriwang ng kapistahan sa kanilang lugar, aabot sa tiantayang mahigit na 50 mga bata mula sa dalawang barangay sa lungsod ang ...

Kasabay ng agdiriwang ng kapistahan sa kanilang lugar, aabot sa tiantayang mahigit na 50 mga bata mula sa dalawang barangay sa lungsod ang napagkalooban ng libreng binyag ng pamahalaang panlungsod kamakailan.

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa bahagi ng Brgy. Ibabang Iyam at Brgy. Mayao Castillo kasabay na rin ng pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron na si San Isidro Manggagawa.

Dumalo sa naturang okasyong nabanggit bilang representatnte ni Mayor Rodrick “Dondon” Alcala sina Executive Assistant III Roelio “Kuya Totoy” Traqueña sa bahagi ng Brgy. Ibabang Iyam habang dumalo naman sa bahagi ng Mayao Castillo si Executive Assistant IV Joe Colar.

Katulad ng mga isinasagawang binyagang bayan, sinimula ang naturang aktibidad sa isang misa at matapos nito ay isinunod na ang pormal na pagbibinyag sa mga bata.

Matapos nito ay nagpakuha naman ng larawan ang mga magulang, ninong, ninang at ang mga nasabing opisyales na libreng ipinagkakaloob rin sa mga ito bilang bahagi pa rin ng naturang programa ng pamahalaang panlungsod.

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga magulang ng bininyagang bata sa programang ito ni Mayor Dondon Alcala na anila ay lubos na nakatutulong sa mga katulad nilang ninananais na mapabinyagan ang kanilang anak ngunit may kakapusan sa pinansyal na aspeto.

Isa lamang ang programang Binyagang Byana sa mga ipinagkakaloob ng pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala, na libreng ipinagkakaloob sa mga Lucenahin pagdating sa aspetong pang-ispiritwal bukod pa rin dito ang libreng Kasalang Bayan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.